in

Reaksyon ng aktor na si Marvin Agustin habang nagpapa-tattoo kinatuwaan ng mga netizens

Hindi maipaliwanag kung nasasaktan ba o nakikiliti ang itsura ni Marvin Agustin habang siya nagpapa-tattoo.

Viral nga ngayon sa social media ang video ng 90’s matinee idol. Tuwang tuwa kasi ang mga netizens sa kanyang reaksyon.

Sa kanyang post online, ibinahagi ni Marvin ang video habang siya ay tinatattooan. Kitang kita sa nasabing video na napapangiwi ang aktor.

Ngunit hindi malaman kung nasasaktan nga ba ito o nakikiliti lamang. Maikling caption ni Marvin sa kanyang post, “Sakit yaaarn!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by M A R V I N (@marvinagustin)

Agad namang umani ng samu’t-saring reaksyon ang nasabing video. May ilang nagsabi na ginusto daw ng aktor iyon kaya tiisin niya ang sakit.

Meron namang ilan na hindi sang-ayon sa pagpapalagay ng tattoo at syempre may mga naka relate din sa sakit.

Narito ang ilan sa komento ng netizens:

“Sinira mo ang makinis mong balat, nagbayad ka pra lng sirain ang makinis mong balat at pra lng masaktan ka, at peklat n yan hindi mabura pag nagsawa ka o kaya hindi na uso”

“Natawa ako, dahiI I know how that feels too”

“nku d n pwde mag blood donate lodi.. sayang ang ganda ganda ng kutis”

“Bakit ang cute parin kahit nasasaktan? hahahaha. sakit no? sige pa tattoo kapa.. gusto mo yan”

Hindi ito ang unang beses na nagpa-tattoo si Marvin. Ang unang ipinalagay niya noon ay wings sa kanyang likod.

Ayon pa nga sa aktor ay parang kagat lamang ito ng langgam pero gutom na gutom na giant langgam daw ito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by M A R V I N (@marvinagustin)

 

Bugoy Cariño pinagtanggol ang partner na si EJ Laure laban sa mga bashers na kinabiliban ng mga netizens

Heart Evangelista ginawa ng 50 thousand pesos ang pabuya sa makakahanap sa aso niyang nawawala