in

Queen of Soul Jaya, naging emosyonal sa pamamaalam niya sa It’s Showtime

 

Kahapon ay hindi napigilan ni Jaya ang maging emosyonal ng magpaalam na siya sa It’s Showtime.

Nang lumipat si Jaya ng istasyon mula GMA to ABS-CBN, isa na siya sa naging hurado sa Tawag ng Tanghalan.

 

 

Ilang taon din niyang nakasama at nakabonding ang madlang pipol.

Kaya naman sa kanyang pamamaalam sa show kahapon July 3, ay bumuhos ang kanyang luha.

 

 

“Thank you to Tawag ng Tanghalan family,” panimula ni Jaya.

“Nung lumipat ako ng ABS kayo yung tumanggap sa akin.. for me Im going to leave with a heavy heart but I am happy because I’ve had the honor and privilege to work with very excellent hosts.

 

 

“The staffs lahat ng nakikita ko dito… Lahat pati mga marshalls na kinukulit ko, you know I love you with all my heart,” sabi nito tsaka sinabi ang ilang pangalan ng hosts at mga katrabaho kung saan pinasalamatan niya sa magandang experience niya.

 

 

“Nagpapasalamat ako sa panginoon kasi dito niya ako dinala, tignan mo hindi sya nagsara kaya thank you Lord for this opportunity to still be standing up in the amidst of all my trials.

 

 

“Showtime, Tawag ng Tanghalan, ABS-CBN my heart is with you!, You will never close I claim that because you help so many people.

 

 

“Even me isang singer na katulad ko namayagpag ng sandali dahil sa pagtanggap nyo sa akin, Maraming salamat Godbless… pagbalik ko sana tanggapin nyo pa rin ako.

 

 

“Sa lahat ng mga Kapamilya maraming salamat po for the honor and privilege Thank You.”

Binigyan siya ng bouquet of flowers at pinalakpakan ng mga kasamahan niya sa studio at sinabi ng lahat ang pagmamahal nila para kay Jaya.

 

 

Magma-migrate na sa US ang buong pamilya ni Jaya kaya siya nagpalam sa It’s Showtime.

 

Vice Ganda tila may malalim na hugot “Minsan may inaalagaan ka na magugulat ka nalang hayop pala”

Ogie Diaz pinakita ang pagmamahal sa ABS-CBN, pinangakong hihintayin niya ang muling pagbubukas ng Network