in

Public apology ni Enchong Dee dinedma ni Cong. Claudine Diana Bautista Lim, pinagmumulta pa ang aktor ng 1 billion

Hindi naging sapat ang naging public apology ni Enchong Dee noon para kay Cong. Claudine Diana Bautista Lim.

Kamakailan nga ay personal ng naghain ng reklamong cyberlibel si Claudine laban sa Kapamilya actor.

Si Claudine ay representative ng party-list na Drivers United for Mass Progress and Equal Rights o DUMPER.

Ito ay dahil sa naging pahayag noon ni Enchong tungkol sa kanyang kasal. Na ginanap sa Balesin Island sa Polillo, Quezon, noong July 28, 2021.

Base sa complaint affidavit, umalma si Claudine sa “defamat0ry” at “malici0us” na akusasyon ni Enchong at ng netizen laban sa kanya.

Isa kasi si Enchong sa mga celebrity na kinondena ang magarbong pagpapakasal noon ni Claudine.

Pinalabas daw kasi ng mga ito na siya ay “c0rrupt” at “insensitive” sa pangangailangan ng sektor na nirerepresenta niya.

Humingi na ng public apology si Enchong, pero itinuloy pa rin ni Claudine ang pagsasampa ng reklamo dahil hindi raw niya naramdaman ang sinseridad ng aktor.

Inamin din doon ni Enchong na hindi niya naisip ang pinsala na maidudulot nito kay Claudine at sa pamilya ng kongresista.

Sabi pa ni Claudine, “After damaging my name, dignity and honor, ENCHONG DEE realizing this forthcoming crim1nal charge. Attempted to un-scramble a scrambled egg, so to speak, by removing his original post and tweeting the following [apology on Twitter].”

Samantala, bukod sa kasong cyberlibel ay humihingi din si Claudine ng PHP1 billion na danyos mula kay Enchong.

Sa ngayon ay wala pang inilalabas na pahayag ang aktor ukol dito. Pero paniwala ng marami ay komukunsulta na ito sa kanyang abogado.

Janno Gibbs isa-isang sinagot ang mga b@shers matapos burahin ang post niya tungkol sa Showtime

Matapos ang hit series na ‘Legal Wives’ Dennis Trillo usap-usapang babalik na sa ABS-CBN