in

Pokwang umani ng papuri dahil sa pagiging mabait na amo sa kanyang mga kasambahay

Hinangaan ng maraming netizens ang pagiging mabait na amo ni Pokwang sa kanilang mga kasambahay.

May mga amo na nag tuturing sa kanilang mga kasambahay bilang parte na ng pamilya. Dahil sa dedikasyon at serbisyong kanilang ipinapamalas.

Kaya naman napaka swerte ng mga kasambahay na nakakatagpo ng mga ganitong amo. Tulad na lamang ng mga kasambahay ng Kapuso comedian na si Pokwang.

Sa isang video sa YouTube, makikita ang pakikisalamuha ni Pokwang sa kanilang mga kasambahay.

Maaga gumigising ang mga ito para kumilos at gawin na ang mga gawaing bahay na nakatoka sa kanila. Pagkagising naman ng komedyante ay isa-isa din niyang kinamusta ang mga ito.

Kinatuwaan naman ng marami ang naging sagot ng isang kasambahay, na tila normal lang sa kanilang samahan.

Saad nito, “Okay naman po, pero mas ok magluto ka na kasi gutom na kami”

Ayon sa ilang netizens ay kung sa ibang amo lalo na’t kilala sa publiko ay hindi uubra ang mga ganitong sagot ng kasambahay.

Ngunit para kay Pokwang ay normal lang sa pang araw araw na buhay nila ang ganoong biruan. Nakikitawa at nakikipagkulitan din siya sa kanyang mga angels.

Sa isang bahagi din ng video ay makikitang si Pokwang ang nagdidilig ng mga halaman. Nilapitan siya ng isang kasambahay at tinanong kung tapos na ba siya sa ginagawa niya.

Nanghingi pa ng paumanhin ang Kapuso star at maya maya ay itinapat ang hose sa mukha ng kasambahay at winisikan ito ng tubig.

Panoorin dito ang napakasaya nilang kulitan:

Lyca Gairanod proud na ipinasilip ang simpleng bahay na naipatayo niya para sa kanyang pamilya

Yen Santos pinaghihinalaang buntis dahil sa latest photo nila ni Paolo Contis na magkasama