in

Pokwang nais pa sanang masundan ang anak na si Malia ngunit ayon sa aktres, “Wala na pong laman ang balon.”

Kahit gusto pa sanang umisa, Pokwang aminadong natuyot na ang kanyang balon.

Bilang bagong Kapuso artist, bibida na si Pokwang sa seryeng Daig Kayo ng Lola Ko. Nanay ang magiging role ni Pokwang dito na nagng malapit agad sa kanyang puso.

Iikot kasi sa usaping pamilya ang istorya ng seryeng pagbibidahan ni Pokwang. Makakasama rin ni Pokwang sina Tonton Gutierrez at Paul Salas.

Samantala, sa presscon ng nasabing serye ay napag-usapan din ang pamilya ni Pokwang. Naging positibo ang sagot ng komedyana ng kamustahin ang pagsasama nila ng partner niyang si Lee O’ Brien.

Ayon kay Mamang Pokwang okay na okay sila ni Papang Lee. Saad niya, “Bising-bisi si Papang sa negosyo. Kahit nandito lang kami sa bahay, siya ang namamahala sa aming mga paninda. Siya ang busy na makipag-meeting. 

“Akala nga niya wala kaming selebrasyon noong birthday kasi inetchos ko. Sabi ko, may taping ako, etchos-etchos. Sinurprise namin siya. Hindi niya alam na may mga pahanda pala, ganyan.

“Pero kami-kami lang din, wa bisita, ayaw.”

Naitanong din ng press people ang tungkol sa ‘me time’ nilang mag-asawa. Natatawang sagot naman ni Pokwang, “Active pa kami, awa ng Diyos, o, ’di ba?”

Pero ano na lang kami, loving-loving. Masa-masahe, charot-charot, Hahaha!  Basta ang importante, nandiyan kami sa isa’t-isa to support each other.”

Malabo na rin umanong masundan pa o mabigyan pa nila ng kapatid ang kanilang baby Malia.

“Gusto man naming umisa pa, wa!” nakakatuwang tugon ng aktres.

“Gusto man naming makahabol pa ng isa…‘Hello, Pokwang, Haller, ang edad! Hahaha! Wala na po! Tuyot na po. Choz! Hindi na p’wede. Wala na pong laman ang balon.”

Gayunpaman, masaya umano si Pokwang na buo at walang sakit ang kanyang pamilya lalo na’t sa nalalapit na kapaskuhan.

Arci Muñoz papasukin na rin ang pulitika, tatakbong konsehal sa Cainta Rizal sa darating na eleksyon

8-karat diamond ring na regalo ni Ivana Alawi sa kanyang sarili nagkakahalaga pala ng 12 million pesos