in

Pokwang inalala ang buhay tindera niya sa Antipolo noong bata pa lamang siya

Napangiti na lamang ang komedyanang si Pokwang ng maalala niya ang buhay niya noon sa Antipolo.

Mula bata pa lamang ay sa Antipolo na nakatira ang buong pamilya noon ni Pokwang.

Sa murang edad ay humanap na siya ng paraan upang makatuong sa kanyang mga magulang.

Para sa kailangan nila sa araw-araw.

Sa edad na siyam o sampung taon ay naging tindera na umano ang ngayon ay Kapuso actres na na si Pokwang.

Ito ay ibinahagi niya sa eksklusibong panayam niya sa PEP.ph.

“Nagtitinda ako ng ticket ng sweepstakes, ticket yun na every Sunday ang raffle.

“Pati kandila, suman, kasuy, lahat na yata! Batang patio tawag dun! May kanya-kanya kaming area ng pagtitinda. ‘O, area ko ito, ha? Dito ako, dun kayo.’ Ganun!” pagbabahagi ni Pokwang.

Aniya kahit may pasok siya noon sa paaralan ay tumutulong pa din siya sa kanyang ina sa pagtitinda sa palengke.

“Basta pag sa palengke naman, Monday to Friday, diretso ako dun galing school.

“Yung mga plastic na pambalot, mga sibuyas, kamatis, bilao, ganun [ang tinitinda ko]!

“Kapag may nanghuhuli, tumatakbo na kami niyan. Hahaha! Pag Sabado at Linggo, sa simbahan kasi maraming tao.”

Pati pangangalakal o pangongolekta ng mga bote at diyaryo ay naranasan din ng aktres para kumita lamang.

Kasama aniya ang kanyang nakatatandang kapatid at masayang nagbalik tanaw si Pokwang sa mga nakakatuwang pangyayari sa kanila noon.

Nasa ikatlong baitang pa lamang daw siya noon sa elementarya ng nagsimula siyang magtinda ng kung anu-ano.

Pursigido daw siyang magtrabaho at kumita noon dahil sa hirap ng kanilang buhay.

Lalo na ng unti-unting lumalaki ang kanilang pamilya. Si Pokwang ay may labing isang kapatid.

At ang bahay lamang nila noon ay gawa lamang sa kawayan.

Sandara Park sinama ang koreanong kaibigan na mamalengke at kumain ng Pinoy Food sa Philippines Market in Korea

Angel Locsin muling kinabiliban dahil sa pasimpleng pagtulong nito sa isang tatay sa ospital