in

Pokwang bukas ang tahanan para kay Miss Universe Myanmar Thuzar Wint Lwin

Handa si Pokwang na kupkupin si Miss Universe Myanmar Thuzar Wint Lwin.

Ito ay matapos malaman ng komedyante na mahihirapang umuwi sa kanilang bansa ang beauty queen.

Matatandaan na ginamit ni Thuzar ang Miss Universe pageant.

Bilang platform para ipaalam sa buong mundo ang nangyayaring kaguluhan sa Myanmar.

Inamin din ni Miss Myanmar na nag-disguise siya nang dumaan sa kanilang immigration. Hindi raw siya nakilala dahil nakasuot siya ng hoodie at sunglasses.

Nabanggit din sa isang ulat na nauna na niyang naipadala sa Amerila ang mga suitcase niya na naglalaman ng mga gown at iba pang damit na gagamitin niya sa Miss Universe 2020 pageant.

Kaya naman sa National Costume competition ay may dala pa siyang placard na may nakasulat na, “Pray for Myanmar”. Sa grand coronation night ng pageant, siya ang nagwagi ng National Costume award.

Sa kanyang up close video para sa pageant, buong tapang n’yang ipinakita ang kabi-kabilang protesta sa kanilang bansa at awayan sa pagitan ng mga sundalo at sibilyan.

At ngayong tapos na ang Miss Universe pageant, may banta daw sa seguridad ng beauty queen kapag umuwi ito sa Myanmar.

Sabi n’ya sa kanyang interview with The New York Times ay aarestuhin diumano siya dahil sa kanyang pagiging pro-democracy.

Kaya naman marami ang nag-alok ng tulong kay Miss Myanmar at handa siyang kupkupin.

At isa na nga dito ay ang komedyanteng si Pokwang.

Sa kanyang Tweet ay inilahad ni Pokwang ang kanyang saloobin ukol dito.

Aniya, “Bukas ang aking tahanan para sa iyo miss Myanmar halika muna sa aking bahay papakainin kita ng roasted chicken at laing ni Mamang.”

Marami naman ang pumuri sa kagandahang loob ni Pokwang para kay Miss Myanmar.

Pero may ilan ding kababayan ang nagsabing mas maraming Pinoy daw ang nangangailangan ng tulong.

Anak nina Hayden Kho at Dra.Vicki Belo na si Scarlet Snow Belo nakapagtapos na sa pre-school

Sikat na vlogger na si Bretman Rock ipinasilip ang kanyang napakagandang mansyon sa Hawaii