in

Pokwang aminadong mas naawa sa taong nanloko sa kanya ng malaman ang estado nito sa buhay

Mas lalong napatunayan ni Pokwang ang kabutihan ng kanyang puso sa panayam niya kay Ogie Diaz.

Sa nasabing panayam emosyonal na ikinwento ni Pokwang kung paano siya nagoyo ng taong pinagkatiwalaan niya.

58,000 pesos umano ang itinakbong pera nito na pangpagawa sana ng malaking ihawan. Na gagamitin niya na pandagdag sa kanyang negosyo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Mayette (@itspokwang27)

Niloko siya nito kahit pa ito na talaga ang lagi niyang kinukuha kung may nais siyang ipagawang iba’t-ibang kagamitan.

Ibinahagi naman ni Pokwang kay Ogie na dapat ay ipapa-Tulfo na niya ang tinutukoy niyang nanloko sa kanya. Ngunit aniya mas nangibabaw umanonang awa sa kanyang puso.

“Pero nung tiningnan ko sa Facebook ‘yung kalagayan nila, nawala ‘yung galit ko,” saad ni Pokwang.

“Naiinis pa rin ako kasi feeling ko tinutulungan ko na kayo e… Nakita ko may maliliit na anak,”

“Pero sana nagsabi na lang kayo sa akin kung ano para natulungan ko pa kayo, kasi ‘pag pinost ko yun sa social media ko marami pang oorder sa’yo e, di ba?” dagdag pa nito.

Nasaktan din daw si Pokwang sa nangyaring iyon. Dahil nais lamang niyang kumita ng extra lalo na sa panahon ngayon. At para na rin makatulong sa malilit na negosyante.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Mayette (@itspokwang27)

Sa huli saad pa niya, “Naaawa lang din ako sa sarili ko na tumulong ka na’t lahat, pinagpaguran po na yung pera na yun, pinagpuyatan ko, pwede pa akong magka-C0VID dahil lumalabas ako magtrabaho lang, tinutulungan mo na, gano’n pa”

Panoorin dito ang kabuuan ng kanilang paguusap:

Piolo Pascual nagsalita na tungkol sa nagtrending na mga larawan nila ni Shaina Magdayao na magkasama

Latest photos ng dalagang anak nina Charlene at Aga Muhlach na si Atasia agaw atensyon ngayon sa social media