in

Plus Size Pinay kinainggitan ng marami ng ipakilala ang kanyang foreigner boyfriend sa publiko

Mapapa Sana All ka na lang!

Ang pagmamahal sa isang tao ay hindi lamang nababase kung sa ano ang kaya niyang ibigay sa’yo. Sa kung ano ang estado ng kaniyang buhay o sa kaniyang itsura.

Wala sa hugis ng katawan. Mataba, payat, o mahubog man ang katawan. Ang pagmamahal hindi tinitingnan ang estado ng buhay. May anak, balo,iniwan o may masasamang nakaraan.

Dahil ang pagmamahal ay ang pagtanggap ng kamalian at kung ano siya at sino siya. Ano mang lahi o saan man nagmula, pag napana ka ni kupido ay wala ka ng kawala.

At tila yan ang pinatunayan ng magkasintahan na viral ngayon sa social media.

Sa post ng isang Facebook page, makikita ang isang magkasintahan na napaka sweet sa isa’t-isa.

Ang babae ay plus size at ang lalake naman ay isang foreigner. Base sa nasabing post, nagkakilala ang dalawa sa napakagandang isla sa Siargao.

At ang litrato ng kanilang lambingan ay sa Siargao din kinunan. Maraming netizens ang napa-sana all na lamang dahil napaka swerte daw ng babae.

May ilan pa nga na nagsabi na kahit mataba ang babae ay nakatagpo siya ng tunay na pagibig sa napaka gwapong foreigner.

Ang ilan naman ay binalak na din pumunta ng Siargao dahil baka sakaling doon din daw nila matagpuan ang kanilang forever.

Umani nga ng samu’t-sarong reaksyon mula sa netizens ang litrato ng magkasintahan.

Narito ang ilan sa mga komento:

“Nice hindi talaga sila nagpadala sa judgemental world stay strong married couple”

“Taga Sana ol na Lang talaga ako nyemas Sana ol may afam.k.bye”

“Siargao para mag ka Jowa Sana all”

“may your love lasts a lifetime!! such lovely images!”

Tunay nga na size doesn’t matter when it comes to love. Agree ba kayo dito?

Pump Attendant ng isang gasoline station nakapagtapos na ng kolehiyo ngayon!

Dawn Zulueta ipinasilip ang kanyang masayahang buhay probinsya