in

Plain housewife ang peg! Julia Montes ibinahagi ang paglilinis niya ng kanilang inidoro

Mga gawaing bahay na lang ang pinagkaka-abalahan ngayon ng aktres na si Julia Montes.

Matagal na din ng huling mapanood si Julia Montes sa telebisyon. Masyadong tahimik at pribado ang bu’hay ng aktres sa ngayon.

Huli niyang pinagbidahan ay ang seryeng 24/7 bago pa man magkaroon ng pandemya at mag-sara ang ABS-CBN Network.

Kaya naman marami sa kanyang mga fans and followers ang laging naka-abang sa mga post tungkol sa kanya.

Tila sabik na sabik na silang makitang muli ang aktres on-screen.

Ngunit habang wala pang bagong proyekto si Julia ay madalas naman siyang nagbabahagi ng kanyang mga kaganapan sa Instagram.

Nakaraan nga ay ibinahagi ni Dimples Romana ang kanyang pagkabigla kay Julia.

Ibinahagi ni Dimples Romana ang video kung saan makikitang naghuhugas ng plato ang kapamilya star na si Julia Montes.

Sabi ni Dimples kay Julia: “Bakit ka naghuhugas ng plato ng may plato?”

Sagot na man ni Julia: “Suma-sideline po ako, pwede na ba akong pumasok?”

Sabi naman ni Dimples: “Tingnan ko nga, ay ganda, okay para pag gising ko maganda yung kasama ko.”

Umani naman ang papuri mula sa mga netizens ang ginawa ni Julia. Tila sanay na sanay na daw ito sa mga gawaing bahay.

Samantala, kamakailan lang ay muli na namang pinabilib ni Julia ang kanyang mga tagahanga.

Ito ay nang ipost niya sa kanyang IG Story ang paglilinis niya ng inidoro.

Saad tuloy ng ilan ay tila plain housewife na nga ang peg nitong si Julia.

Napakasimple daw ng aktres at walang kaarte-arte.

Marami din ang nagsabi na mature na daw si Julia dahil puro mommies na din ang kanyang mga kaibigan.

Narito ang kanyang video:

 

Mariel Padilla aminadong hindi kaya na wala ang kanilang mga kasambahay

Ellen Adarna nag-react sa litrato niyang natutulog na ipinost ng kasintahan niyang si Derek Ramsay