in

Piolo Pascual at Shaina Magdayao namataang sweet na magkasama sa Bohol with Raymart Santiago at Jodi Sta Maria

May relasyon na nga ba sina Piolo Pascual at Shaina Magdayao?

Ito ang tanong ng marami ng kumalat ang ilang litrato ng dalawa na sweet na magkasama sa Bohol.

Sa nasabing litrato at kasama din nila ang celebrity couple na sina Raymart Santiago at Jodi Sta Maria.

Tila nasa isang masayang bakasyon ang apat na Kapamilya stars.

Sa unang larawan makikitang mahigpit na nakayakap si Piolo kay Shaina. Nasa tabi din nila noon si Raymart.

Sa sumunod naman na larawan ay tila couple photo ito. Naka akbay si Piolo kay Shaina at ganun din naman si Raymart kay Jodi.

Sina Raymart at Jodi ay halos isang taon ng magkasintahan at inamin naman na nila ito sa publiko.

Samantala sina Piolo at Shaina ay ilang taon na ding nali-link sa isa’t-isa. Pero magpasahanggang ngayon ay tikom ang bibig ng dalawa ukol dito.

Sa sumunod pang mga larawan ay may kuha din na sina Shaina at Jodi lang ang magkasama. At nha non-showbiz friends nila.

Nakuhaan din ng litrato sina Piolo at Shaina na nakahiga ang aktor sa kandungang ng aktres. Habang ang dalaga naman ay nakahiga sa dibdib ng aktor.

Tila nasa isa silang motorboat sa nasabing litrato.

Meron din kuha na magkahawak kamay ang dalawa at parehong nakangiti sa camera.

Sa mga nakalipas na panayam noon ni Piolo aminado ang aktor na exclusively dating na sila ni Shaina.

Ayon naman sa aktres wala silang commitment ni Piolo pero inamin din niya na madalas silang magkasama.

Kung sakaling may relasyon man ang dalawa ay wala namang masama doon.

Pareho silang single and ready to mingle.

Huling nakarelasyon ni Piolo na bukas sa publiko ay si KC Concepcion.

Si Shaina naman ay si John Lloyd Cruz ang huling napabalitang nobyo niya.

 

Candy Pangilinan nag-sorry matapos akalain na good news ang ibinahagi ni Alex Gonzaga

Jericho Rosales ibinahagi ang matagumpay na pagpapatayo ng 20houses para sa mga nawalan ng tirahan noon dahil kay Ulysses