in

Pinsan ni Kylie Padilla, ipinagtanggol ang aktres laban sa mga paratang ni Aljur Abrenica

Sa painit na painit na isyu nina Aljur Abrenica at Kylie Padilla, nagsalita na rin ang pinsan ng aktres.

Sa Facebook post nitong Martes, sinabihan ni Aljur si Kylie na, “not to hide and disguise”. Ang kaniyang komento para sa pansariling pakinabang.

Malungkot at mabigat ang akusasyon ni Aljur na unang nagtaksil ang kanyang estranged wife na si Kylie kaya naghiwalay sila.

At dahil dito, umalma ang pinsan ni Kylie na nagngangalang Princess Paulino. Ipinagtanggol nito ang aktres laban sa mga paratang ni Aljur.

Kinontra niya ang mga akusasyon ni Aljur laban kay Kylie. Aniya, never nagloko ang kanyang pinsan.

“Hey Aljur, please have some decency,” panimula nito.

Idiniin din niya na hindi kaya ni Aljur buhayin ang kanyang pamilya.

“1. Kylie never cheated on you. Not even when you could not put food on the table. 2. You still owe her a lot of money which she never took against you. 2. You still owe her a lot of money which she never took against you. 3. You cheated on her multiple times, and we all know that. Stop your lies.”

Iginiit din ni Princess na hindi kasalanan ni Kylie kung nababash ang ‘new girlfriend’ ni Aljur na si AJ Raval.

“4. It is not her fault why you have a lot of bashers. It was your choice to flaunt your new girlfriend in public, not hers. 5. Despite the truth that you were an irresponsible husband who broke Kylie’s heart many times, she NEVER went public to say anything against you. 6. When Tito Robin spoke about your cheating, Kylie did not know about it. She even felt bad.”

Sa huli, hiniling ng pinsan ni Kylie na respetuhin naman ni Aljur ang kanyang sarili at tigilan na ang pagsasabi ng kasinungalingan.

Netizen sobrang na-attached sa isyu nila Aljur Abrenica at Kylie Padilla, hindi nakatulog

Tattoo Artist na nali-link umano kay Kylie Padilla pinangalanan ng mga netizens