in

Paulo Avelino to the rescue, ipinagtanggol ang kaibigang si Jake Cuenca sa insidenteng kinakaharap nito

Dinepensahan ni Paulo Avelino ang kanyang kaibigan at kapwa Kapamilya actor na si Jake Cuenca.

Ito ay matapos masangkot ni Jake sa isang po0lice-chase incident noong Sabado ng gabi, October 9, 2021.

Sa Twitter, naging sunod-sunod ang pagsagot ni Paulo tungkol sa pangyayari na naganap nitong Sabado ng gabi.

Ani Paulo, kung sa kanya nangyari ay hindi rin siya hihinto kung naka-sibilyan ang bumab’ariI sa kanyang sasakyan.

Saad ni Paulo, “I wouldn’t stop for anyone sh00ting my vehicle wearing civilian clothes. Pass through a checkp0int? Hinarang ba? If someone was sh00ting me it’s either I sh00t back or run for my life. Wrong place wrong time.”

Sinagot din ni Paulo ang tanong naman ng isang netizen kung lasing ba si Jake ng gabing iyon.

Sa sagot ni Paulo, naibahagi niyang papunta umano sa kanya si Jake dahil kaka-recover pa lang niya sa C0’VID.

“Drunk? No. Nakainom? Maybe. Nakas’agasa ba? Nakas’akit ng tao? Hindi. Walang malay na nagmamaneho papunta dito sa pun’yeta kong bahay dahil kaka-recover ko lang sa C0’VID,” ani Paulo.

Sinabi din ni Paulo at ipinagdiinan na pribadong sasakyan daw ang naba’ngga ni Jake at hindi official p0lice car kaya hindi masisisi ang aktor kung hindi man ito huminto.

Bikini photos ng Kapamilya actress na si Heaven Peralejo, agaw atensyon ngayon sa social media

PNP Chief Guillermo Eleazar may babala kay Jake Cuenca, tinawag na feeling action star ang aktor