in

Pauleen Luna ibinahagi ang litrato ng kanyang mag-ama na sina Vic Sotto at baby Tali habang natutulog na magkayakap

Kinagigiliwan ngayon ng mga netizens ang litratong ibinahagi ni Pauleen Luna.

Sa kanyang Instagram, ipinost ni Pauleen ang nakakaaliw na litrato ng kanyang mag-ama na sina Vic Sotto at baby Tali.

Kung saan makikitang magkayakap sina Bossing Vic at Baby Tali habang mahimbing na natutulog.

“All i need” maikling caption ni Pauleen.

 

Agad namang nag-viral ang post niyang ito, dahil kinagiliwan ng mga netizens ang litrato ng kanyang mag-ama.

Sa comment section ay ipinahayag ng mga netizens ang kanilang paghanga at pagkagiliw kina Bossing Vic at baby Tali.

Narito ang ilan sa kanilang komento:

“So sweet naman is that real asleep tali baby?”

“Ang sarap pagmasdan”

“Your so super sweet dady”

“Ayy.ang sweet nman”

“sweet naman mag daddy”

Noong nakaraang weekend any ibinahagi din ni Pauleen ang kanilang masayang family bonding.

Masaya ang naging family bonding ng mga Sotto noong nakaraan na Sabado. Sa katanuyan, nagkaroon pa sila ng oras para magtayo ng isang inflatable pool sa kanilang bahay.

Nagpost si Pauleen ng mga litrato na kasama ang kanyang mga kamag-anak sa inflatable pool. Siyempre nandoon din sina Baby Tali ang iba pang mga bata sa kanilang pamilya.

Kita rin sa mga mata ni Baby Tali na masaya siya na naka-bonding at nakalaro ang kanyang mga pinsan at kamag-anak.

Kasama rin ng Eat Bulaga host ang anak ni Vic Sotto na si Danica Sotto-Pingris at ang kanyang mga anak na sina Micaella at Michel Sotto-Pingris.

Makikita rin na nakikisaya si Bossing Vic sa swimming pool kasama ang iba pang mga bata sa kanilang malaking pamilya.

MayMay Entrata at Lie Reposposa kumasa sa Bisaya Song Lyrics transformation sa latest vlog ni Kim Chiu

Isang lalaki sa Vietnam siyam na beses na nagparetoke para lamang matanggap sa trabaho