in

Pastor Apollo Quiboloy tinawag ang kanyang sarili na ‘modern-day Joseph’

Nagbigay na ng kanyang pahayag si Pastor Apollo Quiboloy ukol sa ulat na w4nted na siya ngayon sa F.B.I

Kamakailan nga lamang ay naglabas ng poster ang US Federal Bureau of Investigation (FBI). Kung saan makikitang nasa ilalim ng most w4nted list nila si Quiboloy.

Bukod sa kanya, dalawa pang miyembro ng kanyang sekta ang w4nted din ng FBI. Sila ay sina Teresita Tolibas Dandan at Helen Panilag. Bunsod ito ng alegasyong sangkot diumano ang pastor sa labor tr4ffickin6.

Samantala, matapos namang maisapubliko ang nasabing poster, nagbigay na si Quiboloy ng kanyang pahayag ukol dito. Tinawag niya ang kanyang sarili bilang modern-day Joseph na dumadaan sa “tribulation”.

“Tignan n’yo ang dinaanan niyang tribulations. Iyan si Joseph. Ay mayroong modern Joseph ngayon,” aniya sa ABS-CBN report.

Dagdag niya, kailangan niyang pagdaanan ito bago matupad ang ipinangako sa kanya ng “Ama”.

“Bago matupad ang ipinangako ng ama sa akin, ang lahat ng ito ay dadaanan ng anak,” aniya.

Binanggit din niya ang kuwento ni Moses, na umalis sa Egypt ngunit hinabol ng army ng Pharaoh.

“Anong pinagdaanan ni Moses? Hinabol siya ng taga-Ehipto, pati army hinabol siya. Hindi niya alam ang gagawin. Pero ‘pag nasa kamay ng Diyos ang isang tao. Do not underestimate, because miracles and miracles will take place”

“Ayaw kong mangyari yan sa humahabol sa akin. Satanas, bumagsak niya. Habol kasi siya ng habol eh… Makikilala ba si PACQ (Pastor Quiboloy) kung walang tribulations?” pagtatapos nito.

Ayon kay Ogie Diaz, Diego Loyzaga nasakaI kaya hiniwalayan si Barbie Imperial

Sheena Halili aminadong siya ay ‘praning na Nanay’ sinabi ang dahilan ng pagsusuot ng raincover sa elevator