in

Pasaring ni Diego Loyzaga sa mga patutsada sa kanya ni Xian Gaza kinaaliwan ng mga netizens

Simpleng pahaging din ang mga sagot ni Diego Loyzaga sa pangbabatikos sa kanya ni Xian Gaza.

Kahapon, November 17, sunod sunod nga ang mga naging pahayag ni Xian laban kina Diego at Barbie Imperial.

Deretsahan pa ngang tinanong ni Xian si Diego kung bakit pinupuntahan ng aktor si AJ Raval sa Pampanga. Gayung hinihintay umano siya ni Barbie sa Maynila.

Noong una ay dedma lamang si Diego ukol dito. Saad pa nga ng aktor sa kanyang Instagram post,  “Dont get caught up in all that noise. Its just noise.
My baby gurl and I are chilllin So sit back, relax, enjoy life.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Diego (@diegoloyzaga)

Hanggang sa naglabas pa ng video si Xian at ipinahayag ang mga kwento umano ni Jeric Raval sa kanya.

Mismong ang tatay daw ni AJ ang nagsabing panay ang dalaw ni Diego sa kanila kahit may nobya na ito.

Samantala, tila napuno na din si Diego sa mga paninira umano ni Xian sa kanya. Kaya naman sa shared post ng aktor sa Facebook ay nagpahaging na din siya dito.

Sa art card kasi ng pelikula nila ni Barbie na ‘Dulo’ ay mababasa ang  katanungan na. “Kailan mo na-realize na kahit anong pilit ang gawin niyo, hindi niyo na mababalik ang dati?”

Sagot dito ni Diego, “Nung nagpunta ako sa Pampanga… kasama si BIANCA”

Sa comment section makikita din na sinabi ng aktor na “Nung nabuking na ko ng isang sc4mm3r”

Maging si Barbie ay nagpost na din ukol dito saad ng aktres,  “Na realize ko nung may sc4mm3r na naninira sa relasyon namin. Charot asa ka kami pa din hanggang DULO”

Kinagiliwan naman ng mga netizens ang pahayag na ito ng magkasintahan.

Dahil sa pagmention sa kanya sa mga blind item, Skusta Clee hindi napigilang magmura

Paolo Contis nabuking ng netizen, may pasikretong mensahe para kay Yen Santos sa Instagram