in

“Para sa mga pangit lang iyan” Ellen Adarna hindi chinecheck ang phone ni Derek Ramsay

Ellen Adarna proud Gwapa!

Isa ka din ba sa mga babaeng laging chinecheck ang phone ng kanilang mga partner?

Pwes may say si Ellen tungkol diyan!

Sa kanyang most recent Q&A session with her fans sa kanyang Instagram stories ay isa isang sinagot ni Ellen ang mga nakakawindang na tanong.

At ang isang tanong nga na naibato sa kanya ay kung chinecheck daw ba niya ang cellphone ng kanyang fiancee.

Okay lang ba pakialaman ang cellphone ng boyfriend?

Nakakatuwang sagot naman ni Ellen dito, “I never check his phone. I’m not an ugly, psycho b*tch.”

Dagdag pa niya, “Yung mga ganyan, para sa mga pangit lang iyan, mga insecure at praning. Hindi ko napagdaanan iyan. Never.”

Sinabi pa nito na Gwapa siya kaya naman hindi na niya kailangan pang gawin ang bagay na iyon.

Isa din sa natanong kay Ellen ay, “what to do if my ex keeps messaging me even if ayoko na sa kanya.

Sagot naman ng se’xy actress dito, “O di ba, ang ganda mo. Ang ganda mo pero di ka nag-iiisip… Di mo na isip na i block siya? Ano ba yang cellphone mo, analog?

Laging game na game si Ellen sa mga nakakawindang na tanong at binibigyan naman niya ng nakakaaliw na sagot.

Matapos ang labinglimang buwang pamamahinga, Janella Salvador balik trabaho na!

Magkasintahang Gerald Anderson at Julia Barretto sweet na sweet pa din habang nagpapabakuna