in

Para makatipid, Cassy Legaspi nanghihiram lang ng bag sa kaniyang mommy Carmina

Mas lalong nakilala ang ibang side ng 19-year-old daughter nina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi na si Cassy Legaspi.

Umamin si Cassy Legaspi na tumatak sa kanya ang payo ng mga magulang na mag-ipon.

Kuwento ng young Kapuso actress sa interview niya,“Hindi ako ma-splurge o ma-designer brands. I’m a super-super saver, so I share shoes with my mom, I share bags with my mom. Why would I buy? Mayroon naman branded si mommy. Yeah, borrow, borrow na lang.”

“Si Mommy, ganun, ma-luxury siya. Ako po, hindi… parang I just think na kunware may wallet na PHP100,000. I can get that wallet na kunware PHP1,000. Parang yun yung nasa isip ko.”

Sa kabilang banda ay nagi-invest pa rin umano si Cassy sa mga quality, classic designer bags.

Tulad na lamang ng Louis Vuitton Pochette Félicie crossbody bag na makikitang suot niya sa kaniyang isa IG post.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by CASSY LEGASPI (@cassy)

Ang LV bag na iyo ay nagkakahalaga ng USD1,120 or around PHP56,000.

Pagbabahagi pa nga ni Cassy, “I’m not really brand-conscious, but my mom taught me na it’s part of your work.

“You need to learn how to invest. Hindi naman parang buy all the luxury items in the world.

“But, at the same time, learn how to invest in good quality shoes, bags.

“Kasi siyempre, artist ka, people will look at you. You need to look pleasing to the eyes, dapat po maayos.”

Kamakailan lang, si Cassy ang nakasama ni Mina sa bagong video niya sa YouTube na may titulong “What’s In My Bag”

Sa unang bahagi ng vlog, nabanggit ni Carmina na hindi alam ni Cassy na sa kanya ang ginagamit niyang Gucci bag.

Ang buong akala kasi ng dalaga ay hiniram lamang niya ang mamahaling bag sa kanyang mommy.

Dimples Romana naging emosyonal sa pagsaksi sa kasalang Angel Locsin at Neil Arce

Billy Crawford proud na ibinida ang sakripisyo ng asawang si Coleen Garcia at ang pagiging hands-on mommy nito