in

Paolo Contis nanghingi ng tawad sa pamilya dahil sa kamaliang nagawa niya sa mga ito

Patawad ang salitang minutawi ni Paolo Contis para sa mga taong naging parte ng kanyang buhay.

Sa kanyang Instagram post kagabi, September 8, nagbigay na ng pahayag si Paolo tungkol sa mga kinakaharap niyang isyu.

Aniya, matapos umano ang interview ni LJ Reyes kay Boy Abunda ay katakot takot na pang aalipusta at pambabatikos ang natanggap niya.

Ngunit ayon sa aktor hindi naman niya pwedeng sabihin na hindi niya deserve ang mga natatanggap na hateful comments.

Gusto lang sana niyang manahimik ngunit marami na umanong taong nadadamay na hindi dapat. Kaya napagdesisyunan niya ng magsalita.

Itinanggi niya ang mga paratang sa kanya, pero inamin niya ang tungkol sa third party at aniya naging marupok siya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Paolo Contis (@paolo_contis)

Sa sumunod na post ng Kapuso actor, nanghingi siya ng patawad sa dating asawa na si Lian Paz. Kay LJ at sa mga anak nito. At pati na rin sa iba pa niyang kapamilya.

Humingi  siya ng tawad kay Lian Paz at sa dalawa nilang anak dahil maski sila ay naidawit na sa isyu.

“I’m sorry sa lahat ng nadamay sa issue na to. I want to apologize to Lian and the kids, na nagulo na naman ang tahimik na buhay dahil sa akin.”

Humingi din siya ng tawad sa kanyang Mommy at maging sa kanyang team sa GMA-7.

“I’m sorry to my Mom. Please don’t worry about me too much. I’m sorry to my team na hindi na nakakatulog dahil sa akin.”

At sa huli, humingi sya ng tawad sa anak na si Summer, sa panganay ni LJ na si Aki na naging malapit sa kanya, at kay LJ mismo.

Narito ang kabuuan ng kanyang post:

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Paolo Contis (@paolo_contis)

Mga paintings ni Heart Evangelista aabot pala sa milyones ang presyo, nakabenta ng worth 3 million

Kim Atienza binigyan ng payo si Palo Contis tungkol sa kinakaharap nitong kontrobersiya ngayon