in

Paolo Contis nabuking ng netizen, may pasikretong mensahe para kay Yen Santos sa Instagram

Ayon nga sa kasabihan, walang sikretong hindi nabubunyag.

Tugma nga ang kasabihang ito para sa lihim ng aktor na si Paolo Contis. Tungkol sa mga pasimple niyang mensahe para sa aktres na si Yen Santos.

Sa ulat ng entertainment website na PEP.ph, isang netizen umano ang nagpadala sa kanila ng mensahe.

Ito ay isang screenshot ng Instagram Stories ni Paolo. Nakasaad sa kanyang photo caption,  “pssssst.. good morning!”

Aakalain na para sa kanyang mga followers ang pagbati ng magandang umaga ni Paolo.

Ngunit isang netizen ang nakapansin na nakatag pala si Yen sa IG Stories ng aktor.

Ayon sa ulat, “Nag view ako sa ig stories nya, pag press ko sa bandang baba nung ‘ng’ sa morning nya, nakita ko naka tag si yen.

“Hindi kita kasi kakulay nung name ung background nung post”

Makikita sa screenshot na naka-tag ang Instagram name ni Yen na “YS” sa kanyang account na @ysantos.

Pero ayon sa netizen, hindi kaagad iyon mapapansin dahil naka-camouflage umano ang tag ni Paolo kay Yen.

“Ilang beses ko inulit un, naka tag tlaga si yen haha.” dagdag pa ng nasabing netizen.

Hindi ito ang unang beses na tila may palitan ng mensahe sina Yen at Paolo.

Sa pamamagitan din ng IG Stories kamakailan ay tila nagpalitan din sila ng mensahe.

Matatandaan na nalink ang dalawa at naging kontrobersyal ng mamataan silang magkasama sa Baguio.

Ito ay ilang araw lamang matapos lumabas ang balita na hiwalay na si Paolo sa dating partner na si LJ Reyes.

Itinanggi naman ng aktor na may namamagitan sa kanila ni Yen. Pero sa kanilang mga galaw sa social media ay tila may something talaga.

Pasaring ni Diego Loyzaga sa mga patutsada sa kanya ni Xian Gaza kinaaliwan ng mga netizens

Janella Salvador ipinakilala na bilang gaganap na Valentina sa Darna TV series