in

Paolo Contis may patama sa mga ‘Marites’ sa kanyang Instagram: “Small minds discuss other people”

Tila napupuno at nagsasawa na ang Kapuso actor na si Paolo Contis na makita ang kanyang pangalan sa mga news headlines.

Simula kasi nang balitang hiwalayan nila ng dating asawa na si LJ reyes, hindi na natigilan ang isyu ng aktor.

Naging kontrobersiyal ang pangalan nila ng kanyang kaibigan na si Yen Santos nang mag punta sila sa Baguio “as a friend.”

Hanggang ngayon, hindi pa din tinitigilan ng madaming netizens ang bawat kilos at galaw nina Paolo at Yen sa social media. Hindi maitatanggi na nakatutok din ang mga “Marites” sa tunay na relasyon ng dalawa.

Kahapon lang ay naging usap usapan ang Instagram stories ng dalawa na para bang may koneksyon sa isa’t-isa.

Sa kabilang banda, naging kakaiba naman ang Instagram story ni Paolo dahil tila patama ito sa mga taong pinaguusapan ang kanyang personal na buhay.

Ang nasabing Instagram story ay mula sa mga short inspirational videos ng isa pang IG user na si @benlionelscott.

Maririnig sa video ang mensahe na, “Small minds discuss other people. Gossip. Good minds discuss events. Great minds discuss idea.”

Paolo, rindi na nga ba sa mga chismis?

Alexa Ilacad emosyonal na ibinahagi kay Big Brother ang kanyang mabigat na pinagdadaanan “Ayoko sa taong nakikita ko sa salamin”

Aktres na si Ritz Azul ikinasal na sa kanyang non-showbiz boyfriend