in

Paolo Contis, May Malalim Na Mensahe Matapos Ang Tahimik Na Hiwalayan Nila Ni LJ Reyes: “Hindi lahat ng bagay pang habambuhay”

“Hindi lahat ng bagay pang habambuhay…”

Parte ito ng naging mensahe ng aktor na si Paolo Contis sa naganap na virtual press conference.

May bagong pelikula si Paolo na kasalukuyang streaming sa Netflix. Ang pelikula ay pinamagatang A Faraway Land kung saan leading lady niya si Yen Santos.

Nitong mga nakaraan, naging maingay ang pangalan nina Paolo Contis at LJ Reyes.

Ito ay matapos na burahin ni Paolo ang mga larawan niya na kasama ang asawa sa kanyang Instagram account. Naka unfollow na din ang aktor sa account ni LJ.

Agad naman naging haka-haka na nag hiwalay na ang dalawa ngunit naging tahimik pa din parehas sina Paolo at LJ tungkol dito.

Makalipas ang ilang araw, kinumpirma naman ng manager ni Paolo na si Lolit Solis na hiwalay na ang dalawa.

Sa Instagram post ng talent manager, nauna na siyang nag bigay komento na tila na “fell out of love” na ang dalawa sa isa’t-isa.

Agad naman din niyang nilinaw na hindi third party ang dahilan ng hiwalayan ng mag-asawa. Nasali kasi ang pangalan ni Yen Santos kaya agad nitong nilinaw na hindi si Yen ang dahilan ng kanilang pag hihiwalay.

Sa kabilang banda, naging malalim ang mensahe ni Paolo sa naging press conference ng kanyang movie.

Hugot ng aktor, “Hindi lahat ng bagay pang habambuhay.”

“Mayroong mga maiiksi pero sobrang precious. Merong maiksi pero sobrang tatatak sa’yo and it will make you a better person in the future.”

Sa kasalukuyan, patuloy pa din ang pananahimik ng dalawa tungkol sa kanilang hiwalayan.

“Hour-Glass” Body Shape Ni Kisses Delavin, Pinahanga Ang Mga Fans!

JaMill, May Pakomisyon Na 100K Sa Makakabenta Ng Kanilang Mansion!