in

Paolo Contis hindi na umano nagpaparamdam sa dating partner na si LJ Reyes at sa mga anak nito

Diretsahang inamin ng Kapuso actress na si LJ Reyes na hindi na nagpaparamdam sa kanilang magiina si Paolo Contis.

Muling nakapanayam ni Boy Abunda sa kanyang digital talk show si LJ. Dito ay kinamusta niya ang lagay ngayon ng aktres na nasa New York.

Sa kanilang paguusap tinanong ni Tito Boy si LJ tungkol kay Paolo. Kung gumagawa ba ng paraan ang aktor para mag reach out sa kanyang magina.

Mabilis na tugon ni LJ, “No, Tito Boy, no efforts.”

Mahaba naman ang pahayag ng aktres nang mapag-usapan ang pagpapatawad niya kay Paolo, na anim na taon niyang minahal.

Aniya, “It’s a work in progress.

“Ipinagdadasal ko na mapatawad ko siya because I know that if I don’t forgive him, this very dark emotion will just eat me up and I won’t be able to move on with my kids, move forward with my kids nang maayos.

Yung walang galit o walang… siyempre may pain. I mean, hindi pa mawawala yun.

“But for me to make… at least, decent decisions or decisions that will benefit my kids.

“I really have to set aside all those negative emotions, which is very difficult, Tito Boy.

“Every day, I always pray na sana kapag gumawa ako ng desisyon, it will always be based on God’s will or kung ano yung makakabuti sa mga anak ko.

Nilinaw niya rin na taliwas sa mga nasabi ng publiko na prinotektahan niya si Paolo dahil sa kanyang mga pahapyaw na pahayag sa unang panayam, ang mga anak niya umano ang kanyang prinoprotektahan.

Ayaw din daw niyang magsalita nang patapos tungkol sa tanong na babalik pa ba siya at mag-aartista sa Pilipinas.

Panoorin dito ang kabuuan ng kanilang paguusap:

Kylie Padilla nais makausap ng personal ang nali-link kay Aljur Abrenica na si AJ Raval

Video noon ni Aljur Abrenica habang kumakanta ng ‘Still Loving You’ binalikan ng netizens