in

Paolo Contis di na nakatiis, nakiusap na sa manager na si Lolit Solis na tigilan na ang pangbabatikos sa kanya

Tila hindi na kinaya ng aktor na si Paolo Contis ang mga pasaring sa kanya ng talaent manager niyang si Lolit Solis.

Marahil ay gusto na ni Paolo na mag move on sa mga kontrobersiyang kinakasangkutan niya ngayon. Kaya naman ay pinakiusapan na nito si Manay Lolit na tigilan na siya.

Sa programang Take It Per Minute, Me Ganun! ibinahagi ni Lolit ang diumano’y pag awat sa kanya ni Paolo sa pagsasalita tungkol sa isyu nila ng dating partner na si LJ Reyes.

Ipinadaan daw ni Paolo ang pakiusap na ito sa isang kolumnista din na si Gorgy Rula. Saad ni Manay Lolit, “Ito ngang si Gorgy, tumawag sa ‘kin minsan. ‘Oy nay! Ano daw sabi ni Paolo tigilan mo na daw’. ‘Bakit sa inyo pinapadaan? Bakit ikaw kinakausap niya, ako hindi?’ Talagang ayaw pa rin akong kausapin, ‘di ba?

“Yung ano daw, kung anu-ano daw mga pinagsasabi ko. Mga uubusin pera ni Yen, tapos wala siyang pamasahe papunta sa New York chuchu.

Ayon sa kwento ni Lolit ay pinapatigil na siya ni Paolo dahil baka daw maapektuhan na ang kalusagan ng ina ng aktor dahil sa mga nasasagap nitong balita tungkol sa anak niya.

“Sabi daw ni Paolo kay Gorgy, ‘Sabihin mo kay Nanay tumigil na, mamaya mai-str0ke na naman ang mama ko diyan sa mga pinagsasabi niya,” pagbabahagi pa ni Manay Lolit.

Matatandaan na sa naging isyu ng hiwalayan nina Paolo at LJ ay pinutakte na ang aktor ng pambabatikos.

Lalo pa ng maglabas siya ng pahayag at dinepensahan si Yen Santos. At itinanggi na ang aktres ang dahilan ng kanilang hiwalayan ni LJ.

Nangunguna naman sa nagpapatutsada kay Paolo ay ang manager nga niyang si Lolit Solis.

Ebidensya sa pagkakaroon diumano ng relasyon nina AJ Raval at Aljur Abrenica inilabas ni Xian Gaza

Kasalan na nga ba? Jennylyn Mercado at Dennis Trillo may ibabahaging good news sa kanilang mga fans