in

Paolo Contis at LJ Reyes hiwalay na nga ba? Mga litrato ng aktres burado na sa Instagram ni Paolo!

On the rocks na nga ba relasyon nina Paolo Contis at LJ Reyes?

Ito ang tanong ng maraming netizens. Mapapansin kasi na burado na ang lahatng pictures ni LJ sa Instagram ni Paolo.

Naka-unfollow na rin ang aktor sa Instagram account ng Kapuso actress at zero na ang following nito.

Sa IG naman ni LJ may ilan pa ding mga litrato ni Paolo ang nakapost. Ang isa ay nang batiin niyaito noong nagdaang father’s day.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by LJ Reyes (@lj_reyes)

Pati na din ang greetings nito noong last birthday ng aktor.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by LJ Reyes (@lj_reyes)

At ang pinaka last ay noong valentine’s day.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by LJ Reyes (@lj_reyes)

Pero unlike Paolo, naka follow pa din si LJ sa IG account nito. Dahil dito naglabasan tuloy ang maraming hinuha mula sa mga netizens.

May ilang nagsabi na baka hiwalay na umano ang dalawa kaya biglaang binura na nila ang mga pictures nila together.

Ilan din sa kanilang mga followers ang nagtatanong kay LJ kung ayos pa ba sila ni Paolo. Marami din ang gustong malaman ang totoong dahilan or the story behind Paolo’s IG.

Narito ang ilan sa komento ng netizens:

“ang malas nman ni Lj kng gnun kse pngalawang Paolo na yan sa buhay nia prehas pang may anak”

“Wag Naman Sana Sila maghiwalay. Kasi muka Naman Silang Masaya e. Lahat Naman ng pamilya my problema laban lang”

“Baka nagiingay lang dahil may movie si paolo and yen”

“Sana kung anu man ang desisyon nila isaalangalang pa rin yung future ni summer”

Gayunpaman, naiwan naman ang mga larawan ng anak nilang si Summer sa IG account ni Paolo.

Maine Mendoza ipinagtanggol si Arjo Atayde, sinabing hindi kinukunsinte ang kamaliang nagawa ng nobyo

Nakakatuwang video noon ni Lyca Gairanod kasama ang “The Voice Kids” singer kinagigiliwan ngayon ng netizens