in

Panibagong video ni Jericho Rosales na uminom ng ‘Myogesic’ kinaaliwan ngayon ng maraming netizens

Muli na namang nagbigay good vibes ang hunk actor na si Jericho Rosales sa kanyang mga fans!

Kamakailan lang ay marami ang kinilig sa video ni Echo habang naghuhugas siya ng pinggan. Kahit napaka simple lang ng mga galawan ng aktor ay nahumaling agad sa kanya ang maraming kababaihan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by @jerichorosalesofficial

Agad ngang nag-viral ang nasabing video dahil sa angking kagwapuhan ni Mr.Pogi.

Samantala, matapos naman nito ay ang funny side naman ni Echo ang kanyang ipinakita. Ito ay tungkol sa napapanahong isyu din sa bansa.

Hindi naman lingid sa publiko na tila may shortage na ngayon sa 6amot na parac3tam0l. Kaya naman sa kanyang latest video ay gumawa ng parody itong si Jericho.

Sa naturang video, nag-emote ang aktor sa kanyang karanasan sa paghahanap umano ng 6amot dahil nagkakaubusan ng parac3tamol sa botika.

Sa simula pa ng video ay maayos na nagsasalita si Jericho, aniya, “Grabe ang haba ng pila kanina sa mga botika, nagkakaubusan ng parac3tamol, pero nakabili ako ng 6amot.. myogesic.” 

Aniya, guminhawa raw naman ang kanyang pakiramdam at lumuwag ang paghinga. Ang siste, habang naglalakad siya ay nababago ang kanyang boses.

“Menyo ngumaan ‘yung makiramdam ko at lumuwag ‘yung panghinga ko. Nawana na nakit ng ngulo ko. Hanga. Makit nganito marang may ngide effect yung ngamot? Heno! Heno!”

Maraming netizens naman ang naaliw sa acting na ito ni Jericho. Tuwang tuwa lalo na ang kanyang mga fans.

May mga nagsabi pa nga na bigla nilang namiss na mapanood ang aktor sa mga teleserye at pelikula.

Panoorin dito ang kanyang video:

Gerald Anderson mamahaling relo ang regalo para sa nobyang si Julia Barretto

Dating misis ng PBA superstar dinakip, sangkot sa ‘Rentangay Sangla M0dus’