in

Panganay na anak nina Precious Lara Quigaman at Marco Alcaraz future heartthrob ayon sa mga netizens

First baby nina Precious Lara Quigaman at Marco Alcaraz kinagigiliwan ng mga netizens.

Isinilang ng dating Miss International ang panganay nilang anak ni Marco na si Noah noong November 10, 2012.

Ito ay si Noah Lamar Alcaraz.

Saad ni Quigaman, laging maraming likes ang mga litrato ni Noah dahil sa angkin nitong kagwapuhan.

May mga nagsasabi pa nga raw na si Noah ay future heartthrob at paniguradong maraming babae ang paiiyakin.

Sa murang edad ni Noah ay lagi niyang binabantayan ang kanyang nakababatang kapatid na si Tobias.

Bilib din aniya si Quigaman sa pagiging responsable ng kanyang panganay at sa husay nito sa paghandle ng iba’t-ibang sitwasyon.

Mahilig din si Noah na magbasa ng Bible at ito ang bonding momemnts nila ng kanyang kapatid.

Iginigiit din ni Noah na kung tawagin ni Quigaman ay “pogi” na siya ay big boy na at hindi na kailangan pang iahatid sa eskwelahan.

Achiever din si Noah pagdating sa kanyang pag aaral. Sa katunaya ay maraming award na ang natatanggap nito.

Kabilang na nga dito ay ang Outstanding Student in Reading, Outstanding Student in Math, Loyalty Award, Most Participative and Good Friend.

Walong taon pa lamang si Noah pero alam niya na kung ano ang makakabuti at makakasama. Sa kanya, sa kanyang pamilya, at mga kaibigan.

Mahilig din si Noah sa basketball tulad ng kanyang mga magulang, at ito ang kanyang pinagkakaabalahan during quarantine.

Mas mature man si Noah kumpara sa mga kaedad niya ay baby pa rin ang turing sa kanya nina Lara at Marco.

Sa mga litrato ni Noah sa Instagram ay makikita talagang napakapogi niya.

At paniguradong papasa din siya bilang artista tulad ng kanyang mga magulang.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Marco Alcaraz (@marcoalcaraz)

Bea Alonzo emosyonal na nagpaalam at nagpasalamat sa ABS CBN matapos pumirma ng kontrata sa GMA

Reaksyon ni Manny Pacquiao sa boyfriend prank ng kanyang anak na si Mary, kinagiliwan ng netizens