in

Pamangkin ni Vice Ganda umalma sa paratang ng netizen na ang tito niya ang kanyang source of income

Nabast0s diumano ang pamangkin ni Vice Ganda sa mga komentong natatanggap. Na ang tito niya ang source of income ng kanilang pamilya.

Dumipensa si Camille Viceral matapos sabihin ng mga netizen na ang kaniyang pera ay galing sa kaniyang tito na si Vice Ganda.

Sa TikTok, may nagtanong kasi kay Camille kung ano ang kaniyang source of income. May isang netizen naman na nagreply dito at sinabing ‘tito niya’.

Agad na umalma dito si Camille at sinabing, “Nakakabast0s po. Lumaki po kami sa hirap at alam po namin na ang pag-unlad ng isa ay hindi pag-unlad ng lahat. Dahil kung ‘yun po nag iisipin namin, hihilahin po namin ‘yung tao pababa. May kanya-kanya po kaming pag-iisip, personalidad, pinagkakakitaan, at responsibilidad sa loob at labas ng bahay”

Ayon kay Camille, wala siyang hinihiling na higit pa sa ibinibigay sa kanila ni Vice. Sa huli, pinaalalahanan din niya ang netizen na iwasang mag-assume at maging bast0s.

“Kung ano po ‘yung binibigay sa ‘min, ‘yun lang po ‘yung aangkinin namin. Hindi na rin po kami naghahangad ng sobra-sobra pa doon. Ayun lang. ‘Wag po tayong nag-a-assume at wag po tayong bast0s”

Narito ang kanyang video:

Before and after pictures ni Toni Fowler pinagpepyestahan ngayon online, mga netizens pinagkumpara ang kanyang itsura

Batikang aktres at gumanap na Lola Basyang na si Luz Fernandez, namaalam na sa edad na 86