in

Pag-uusap nina Madam Inutz at Brenda Mage habang naka live sa PBB livestream trending ngayon online

Mabilis na nga viral online ang naging pag-uusap nina Madam Inutz at Brenda Mage na parehong housemates sa PBB.

Sa live streaming nga ng Pinoy Big Brother sa Kumu app ay pinagusapan nina Madam Inutz at Brenda. Ang mga nominated housemates sa linggong ito na sina Alexa Ilacad, TJ Valderrama, Karen Bordador, at Samantha Bernardo.

Napag-usapan ng dalawa ang mga insights nila tungkol sa mga nominado. Partikular na sina Alexa at TJ.

“Ako tingin ko talaga jan, Karen or Alexa (ang mae-evict). Pero kung malakas ang supporters ni Alexa–” opinyon ni Madam Inutz.

Ayon naman kay Brenda depende na lang umano sa editing ng mga nominated housemate. Aniya, “Paano maganda ba editing kay TJ? E, ang ganda ng editing ni Alexa.”

Pagbabahagi pa nga ni Madami Inutz ay wala naman daw nagagawa si Alexa sa loob ng bahay ni Kuya. Kundi puro pagpapaganda lamang daw at pinuna din niya ang mga ginagawa nito.

“Puro lang siya music, wala nga siya ambag dito. Tingnan mo sa grupo nila, iyakin kasi wala siyang nagagawa, zero lagi ambag niya. Kanina sa tingin mo may ambag ang lakas niya? Wala rin. Sa lahat ng task, wala siya ambag. ‘Yun lang ‘yung sa play, kanta lang, sirena siya. Walang silbi, ganda lang talaga. Sa HOH, laging lampa. Sa lutuan naman, walang kwenta, panay pa tago ng tinapay tsaka itlog, panay lamon pa. Kapag kumakain, hindi nagpapaalam. ‘Yun lang ambag niya love team love team, pero siya laging nase-save,” himutok pa ni Madam Inutz.

Agad namang nagtrending ang usapan nilang ito ni Brenda. May mga nagsabi na binabackstab umano ng dalawa ang Kapamilya actress na si Alexa.

Panoorin dito ang kanilang usapan:

Cristy Fermin sinabing kilala umano bilang ‘sutil’ si Barbie Imperial

Dating magkasintahan na sina Nadine Lustre at James Reid spotted na namimili sa IKEA Philippines