in

Pag-crop ni Luis Manzano sa mukha ni Alex Gonzaga sa isang litrato ikinawindang ni Jessy Mendiola

Isang napaka kwela at espesyal na post na naman ang ibinahagi ng TV host actor na si Luis Manzano.

Samut-saring reaksyon na naman ang natanggap ng latest Instagram post ni Luis. Ito ay tungkol sa mga babaeng importante umano sa kanyang buhay.

Natouch ang mga netizens dahil ang mga espesyal na kababaihan na binaggit ni Luis ay ang kanyang ina. Na si Vilma Santos, at asawa niyang si Jessy Mendiola.

Kabilang din sa kanyang binanggit ay ang kanyang best friend na si Anne Curtis at pati na din si Nikki Gil. At ang kanyang kapatid na ai Addie Manzano.

“3 of the ladies in my life. The little sis – the momski – the wifey wowow missing @addie.manzano – the little sis , @nikkigil – the Nikoy, @annecurtissmith the bf! @carla_valeroso – the cuz sis,” saad ni Luis.

Sa larawan naman na kanyang ipinost ay makikita na kasama niya ang kanyang momski V at misis na si Jessy. Naroon din sa nasabing larawan si Alex.

Ngunit pinagkatuwaan na namang muli ni Luis ang vlogger actress. Dahil pinutol nito ang mukha ni Alex sa nasabing picture.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Luis Manzano (@luckymanzano)

Maraming netizens naman ang tuwang tuwa sa palitan nila ng mensahe sa comment section.

Ani Alex, “Tinapyas mo pa muka ko ginawa mo ko poster ng teleserye.”

Nawindang naman si Jessy sa ginawang ito ng kanyang mister. Hindi magkamayaw sa kakatawa si Jessy. Tugon naman ni Luis sa asawa ay ganoon daw talaga ang mukha ni Alex.

Bentang benta sa publiko ang laging pagkukulitan nina Alex at Luis sa social media.

Palitan sila lagi ng kantyawan sa kani-kanilang post, at normal na lamang ito sa dalawang magkaibigan.

Sa tulong ni Rabiya Mateo, Zeinab Harake 200 thousand pesos ang naipamigay sa maswerte niyang avid fan

Jaclyn Jose bilib sa buhay na mayroon ngayon ang kanyang anak na si Andi Eigenmann