in

Pag-alis sa portrait ni Bea Alonzo sa ABS-CBN hallway ipinost ni Kim Chiu sa kanyang IG Stories

Opisyal ng tinanggal sa hallway ng ABS-CBN ang portrait ng ngayo’y Kapuso actress na, na si Bea Alonzo.

Matatandaan na noong July ng kasalukuyang taon ay lumipat na ng network si Bea. Matapos ang ilang dekadang pamamalagi niya bilang Kapamilya ay lumipat siya sa GMA network.

Bagamat ayon sa mga ulat nagung maayos umano ang pagalis ng aktres sa ABS. Hindi pa din maiwasan na mabigyan ng isyu ang kanyang network transfer.

At halos limang buwan na nga ang nakakalipas, tila tinaggal na ngang talaga ang alaala ni Bea sa ABS.

Sa deleted IG Stories kasi ng Kapamilya actress na si Kim Chiu. Ibinahagi nito ang aktwal na pagtanggal sa portrait ni Bea sa hallway ng ABS-CBN.

Hindi naman sinasadya ni Kim na makunan ang actual scenario. Ang Ig story niya kasi ay isang video clip.

Kung saan nakikipagbiruan at nakikipagtawanan siya sa kanyang It’s Showtime co-host na si Amy Perez.

Nagkataon naman na may binabaklas na portrait sa hallway at natukoy na iyon nga ay ang larawan ng dating Kapamilya A-list actress na si Bea.

Agad namang umani ng samut-saring reaksyon mula sa mga netizens ang ulat na ito.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

“Binaklas na picture nung girl na lumipat. Ibig sabihin hindi na sya makakabalik sa ABS-CBN.”

“kalma,ililipat sa GMA ang portrait ni bea at ang ipapalit ay kay lovi poe.”

“Si Bea ang new calendar girl ng Tanduay. Meanwhile binaklas ng ABS-CBN ang portrait ni Bea. kinunan ng video, with caption sa IG”

“Gamit na gamit talaga ng ABS si Kim sa mga ganyang patamang isyu eh”

Bela Padilla inanunsyong sa London na maninirahan, tuluyan na nga bang lilisanin ang showbiz?

Cristy Fermin muli na namang pinuna ang mga mamahaling kagamitan ni Jinkee Pacquiao