in

Oyo Boy Sotto sinunod ang payo ng amang si Vic Sotto nang ikasal siya kay Kristine Hermosa

Sineryoso ni Oyo Boy Sotto ang naging payo ng kanyang Daddy Vic Sotto kaya naging masaya ang kanyang bu’hay pamilya.

Hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa isipan ni Oyo ang payo na ibinigay sa kanya ni Bossing noong ikinasal sila ni Kristine Hermosa.

Isa raw ito sa mga advice ni Bossing na talagang isinasabu’hay niya. Kaya naman mas lalo pang tumibay ang pagmamahalan pagsasama nila ni Kristine habang lumilipas ang panahon.

Ani Oyo, ang pinaka-hindi niya makakalimutan na advice ni Vic ay ang huwag niyang gayahin ang ama. Para kay Vic ay hindi biro at seryoso ang payo niyang iyon sa anak.

Sabi pa ni Oyo, kahit hindi raw naging forever ang mga magulang nilang sina Vic at  Dina Bonnevie ay masaya sila.

“We’re happy na ganito ‘yung kinalabasan, maaaring hindi nagkatuluyan ‘yung nanay namin saka si daddy. Pero ang importante masaya kami ngayon kung nasaan kami,” sambit ni Oyo.

Naikuwento ni Oyo ang tungkol dito sa naganap na virtual presscon para sa Kapuso comedy show na “Daddy’s Gurl”. Na pinagbibidahan ng amang si Bossing at ni Maine Mendoza.

“Ang pinakahindi ko makakalimutan na advice ni Daddy nu’ng wedding namin ni Kristine, sabi niya ‘ang pinaka-advice na mabibigay ko sa ‘yo, huwag mo lang ako gagayahin, okay ka.’ Daddy naaalala mo ‘yun ah,” pahayag ni Oyo.

Sagot naman ng kanyang ama, “Hindi naman biro ‘yun, seryoso naman ‘yun.”

Saad ni Oyo, “Kaya nga sineryoso ko nga.” Na hiniritan naman ni Vic ng,  “Okay very good!”

Wala naman mahihiling pa si Bossing Vic. Lalo na’t nakikita niyang masaya na ang kanyang mga anak na nakakabuo na ng pamilya.

Reaksyon ni Jay R sa kissing ng asawang si Mica Javier kay Gerald Anderson: “I hope you brush your teeth after that”

BB Gandanghari may payo para kina Aljur Abrenica at Kylie Padilla sa kinakaharap na kontrobersiya ngayon