in

Opinyon ni Jeric Raval tungkol sa sames3x marriage dinepensahan ni RR Enriquez

Muli na namang nagbigay ng kanyang pahayag ang ‘Sawsawera Queen’ na si RR Enriquez.

Nakilala na si RR sa pagbibigay ng kanyang mga sariling opinyon sa bawat viral issues ng mga celebrity.

Self entitled sawsawera queen na nga ang itinawag niya sa kanyang sarili. Dahil ayon sa kanya malaya ang lahat na magbigay ng kani-kanilang saloobin.

At ito din ang naging topic ni RR sa kanyang latest post. Ipinagtanggol niya ang aktor na si Jeric Raval.

Tungkol sa naging opinyon ng action star sa sames3x marriage. Ayon kasi kay Jeric ay hindi siya pabor dito base sa nakasulat sa bibliya.

Sa pahayag ni RR sang-ayon siya kay Jeric. Pero sa kabilang banda wala naman umanong masama kung magmahal ang babae sa babae at lalaki sa lalaki.

Ani RR, “I guess dapat huwag tayong ma offend. We are all sinners.. Sinning in a different ways. Sa mata ng Diyos lahat ng sin natin ay pare parehas. Pumatay ka vs. inislander mo yung tao. Nagnakaw ka vs. jinudge mo yung tao..

Nagpakasal lalaki sa lalaki or babae sa babae.. Nakipag s3x out of marriage.. Married pero may kabit. Nakikipag live in out of marriage! Lahat naman yan sin kay God.. So huwag na tayo magmalinis!! Kasi halos lahat tayo guilty!

I think I think it’s ok to tell the person what is wrong without judging and forcing them to believe sa paniniwala mo.”

Sa huli saad pa niya, “Again we are all free to sin and decide for our own happiness kahit mali! Dahil hindi lahat ng alam natin na masaya ay tama!!

Narito ang kabuuan ng kanyang post:

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rr Enriquez (@rr.enriquez)

 

AJ Raval, sinita ng kanyang ama na si Jeric Raval dahil sa suot nito habang nagka-carwash.

Cute na cute na si Clarissa sa Pepito Manaloto dalaga na ngayon