in

Ogie Diaz pinakita ang pagmamahal sa ABS-CBN, pinangakong hihintayin niya ang muling pagbubukas ng Network

 

Ogie Diaz, makakahintay sa muling pagbubukas ng ABS-CBN.

Sa kanyang vlog, ibinahagi ni Ogie na hindi niya kailanman iiwanan ang ABS-CBN.

 

 

“Naku hindi. Hindi ako kukunin nun. Alam mo, as much as I want to work with John Lloyd again and Direk Bobot. Eh, syempre hindi pa rin, ABS-CBN pa rin ako. ‘Yun lang naman ‘yun.” 

Sinabi din niya na malaki ang naitulong ng ABS-CBN sa kanya at sa kanyang buong pamilya.

 

 

“Kasi, ‘yung bahay ko naman galing sa ABS. Kasi, ‘yung mga tinutulong ko naman sa tatay ko sa mga kapatid ko sa pamilya ko mismo galing sa ABS. So hindi para makalimutan ko ‘yung ABS.”

 

 

Dagdag pa ni Ogie, “So, kung walang pang ABS, magyu-YouTube muna ako at ‘pag nand’yan na ang ABS edi jusko, go ako.”

 

 

Naibahagi ito ng batikang TV host at talent manager dahil sa maraming Kapamilya stars na ang lumilipat ng istasyon.

 

 

Katulad na lamang nina Beauty Gonzalez, Johnny Manahan, Mariole Alberto, at John Lloyd Cruz na nasa GMA-7 na.

 

 

Di naman kaila sa publiko na vocal si Ogie sa pagsuporta sa ABS-CBN magmula pa ng ito ay mag-shutdown noong May 2020.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ogie Diaz (@ogie_diaz)

Mula 1991 ay nasa Kapamilya Network na si Ogie. Ilang talk shows at productions na ang kinabilangan niya dito.

Dito rin siya nagsimula sa paghahandle ng mga artista, at isa nga sa pinakasikat na talent niya ay si Liza Soberano.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ogie Diaz (@ogie_diaz)

2012 nang makilala niya si Liza at kinumbinsing maging artista dahil nakitaan niya ang aktres ng potensyal.

 

 

Kaya naman, marami man ang umalis at nagbabalak na iwan ang istasyong tumulong sa kanila ipinangako ni Ogie na hinding hindi niya iiwan ang ABS-CBN.

 

 

Queen of Soul Jaya, naging emosyonal sa pamamaalam niya sa It’s Showtime

Nakaraan nina Janine Gutierrez at Mayor Vico Sotto ibinahagi ni Lolot De Leon