in

Ogie Diaz nakakaramdam ng kasiyahan tuwing nasisilayan na nagpo-post ng video si Kris Aquino

Aminado si Ogie Diaz na nasisiyahan siya tuwing nakikita niya ang mga post ni Kris Aquino.

Sa kanyang latest showbiz vlog update, napag-usapan nina Ogie, Tita Jegs at Mama Loi ang Queen Of All Media.

At dito ay sinabi ng entertainment columnist na masaya siya pag may bagong video upload si Kris Aquino.

Aniya, “Alam mo, sa totoo lang ha, kapag nakikita ko na nagpo-post si Kris, tapos video pa yung kanyang pino-post. Nasisiyahan ako, naliligayahan ako. Kasi ibig sabihin, buhay pa rin si Kris, nasa tamang wisyo pa rin si Kris, at lumalaban pa rin siya sa buhay at na inilalaban pa rin niya ang kanyang kalusugan”

Kabilang sa kanilang naging topic ay ang video upload ni Kris kamakaialan. Kung saan binati nito ang kanyang kapatid na si Noynoy sa karawan nito.

Kasama pa ni Kris sa simula ng kanyang video ang dalawa niyang anak na sina Josh at Bimby. Sa nasabing video ay humingi din ng paawad si Kris sa kanyang kuya Noy.

Dahil hindi aniya nasunod ang payo nito na huwag magsalita o magpost ng mga bagay na pagsisisihan niya sa bandang huli.

Samantala, dagdag pa ni Ogie tungkol kay Kris, “Pero seriously speaking, natutuwa ako na alive na alive si Kris Aquino. Lagi kong ipinagdarasal yan kasi sa totoo lang, hindi ko ma-imagine ang mundo ng showbiz kung mawawala ang isang Kris Aquino. Sobra.

Sa huli ay sinabi naman ni Ogie na mahal niya si Kris, get well soon naman ang mensahe ni Mama Loi para sa TV host actress.

Sa kalagitnaan ng kasal, isang bride hiniling sa kanyang groom na mayakap ang kanyang ex-boyfriend

Whamos Cruz pinamilhan ng Louis Vuitton ng kanyang girlfriend na si Antonette Gail!