in

No makeup look ni Regine Velasquez ibinida ng asawang si Ogie Alcasid

Ipinagmalaki ni Ogie Alcasid ang itsura ng asawa niyang si Regine Velasquez na bagong gising.

Marami ang naaliw nang makita si Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid na walang make-up.

Ipinakita ni Ogie Alcasid sa kanyang Youtube channel ang itsura ng natutulog na misis.

Sau unangbahagi ng video, makikitang bahagya pang nakanganga ang singer habang natutulog hanggang sa nagising ito.

Kitang-kita ang natural na ganda nito dahil kakagising pa lang at wala pang make-up.

Game na game din siyang nakipagkulitan sa mga viewers ng “vlang” ng asawa.

Madami naman ang natawa sa kilay ni Regine.

May nagsabi pa nga na papunta na daw kay Mona Lisa ang itsura nito.

Komento pa ng isa “bigyan ng kilay yan!!”

“Maganda pa rin si Regine idol kahit walang make up,” saad pa ng isang netizen.

Aliw na aliw na binabasa naman ito ni Ogie habang naka-live stream.

Proud na proud siya sa itsura ng kanyang misis kahit wala itong makeup.

Alam naman ng lahat na ang mga artista ay laging mga nakapostura.

Dahil inaalagaan nila ang kanilang imahe sa harap ng kamara.

Sa mundo ng showbiz at TV, its a must kung tawagin ang pagkakaroon ng maganda at presentableng pisikal na kaanyuan.

Lalo na sa harap ng camera, kung saan ipinapamalas ng mga celebrities na ito ang kanilang talento at husay sa kanilang larangan.

Kaya naman madaming nabilib kay Regine na hindi niya itinago sa publiko ang kanyang bagong gising look.

Kahit na wala pang ayos at make up, kitang kita parin ang natural na ganda ni Ms. Regine na talaga namang hinangaan ng marami.

Gayun narin ang labis na pagmamahal ng kanyang asawa na si Ogie na laging nakasuporta sa kanya.

Panoorin dito ang morning vlang ni Ogie:

Matapos ang walong buwan na paghihintay, mamahaling bike parts ni Ion Perez dumating na!

Joel Cruz hindi spoiled ang mga anak, tinuturuan din ng mga gawaing bahay