in

Newlywed couple na sina Rocco Nacino at Melissa Gohing bumili ng lote sa Tagaytay para sa kanilang future Casa Nacino

Bumili na ng bagong lote sina Rocco Nacino at Melissa Gohing para sa kanilang dream vacation home.

Ang 2021 ay big year para kina Rocco at Melissa, sila ay ikinasal noong January 21, 2021.

Ginanap ito sa isang naval ship BRP sa Davao del Sur kung saan tanaw ang Manila South Harbor.

Nagpropose si Rocco kay Melissa noong November 20, 2020, sa Hinulugang Taktak, Antipolo City.

At nitong nakaraan lamang ay ibinahaging muli ng mag-asawa ang bagong achievement nila sa taong ito.

Sa kanyang social media post ay ibinahagi ni Rocco na nakabili sila ng lupa sa Tagaytay.

Kung saan ipapatayo nila ang future “Casa Nacino” ang bahay bakasyunan na pinapangarap diuamano ng dalawa.

“Teamwork makes the Dream work. On this site will stand Casa Nacino! Can’t wait to build this dream vacation project of ours mi amor @gohingmelissa! Another blessing from the Lord, and the fruit of hard work,” saad ni Rocco.

Dagdag pa niya, “May this inspire those who are currently frustrated with work and life to continue to work hard and reach for your dreams. Let all negativity be the fuel for your motivation to strive hard and achieve what you want in life! Claim it!”

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rocco Nacino (@nacinorocco)

Kalakip nito ay ang larawan nilang mag-asawa na nakatayo sa isang bakanteng lote.

Sa kanilang litrato ay kitang-kita naman ang mga ngiti nila sa labi, patunay na masayang masaya sila sa bagong property nila.

Sa comment section ay nakatanggap naman ang dalawa ng pagbati mula sa mga kaibigan nila sa industriya.

“Yahoo!!!!  Awesome guys,” saad ni Chyna Ortaleza.

“Congrats? Bro” komento naman ng aktor na si Jestoni Alarcon.

Saad naman ni Mark Herras, “Galing!! Nice mayor ready na maging daddy yan!!”

Congratulations!

Sunshine Guimary kinaaliwan ng netizens, ginawang katulong sa vlog ni Robert at Balong

Julia Barretto social distancing muna sa kasintahang si Gerald Anderson