in

Newlywed couple na sina Angel Locsin at Neil Arce may pa-house tour sa kanilang bagong bahay

Neil Arce at Angel Locsin may pasilip sa kanilang bagong bahay na regalo ng pamilya ni Neil.

Ilang linggo ang nakalipas matapos ibahagi sa publiko ang kanilang pag-iisang dibdib, house tour naman ngayon. Ang ibinahagi ng newlywed couple.

Sa kanilang pinakabagong vlog, ikinuwento ng dalawa na dati nang pagmamay-ari ng pamilya ni Neil ang tahanan at pinaayos na lamang nila.

“In-offer ito ng family ni Neil. Ayaw sana namin tanggapin. Syempre nakakahiya. Ayaw namin umasa pero only child ang asawa ko,” nakatawang sambit ni Angel.

“Sobrang laking ginhawa at tipid namin sa mga bagay. Medyo old house siya. Ni-renovate lang namin kaunti,” pagbabahagi naman ni Neil.

Kwento pa ng mag-asawa muntik na umano silang tumira sa isang condo dahil nahihirapan silang pumili ng bagong malilipatan.

“Ang tagal naming naghanap. Syempre kailangan komportable kami. Okay sa locations ng trabaho namin. Kaya ng budget,” paglalaha ni Angel.

Ayon naman kay Neil, si Angel ang naging abala sa pagpapaganda ng kanilang bagong bahay.

Mapapansin sa loob ng kanilang kabahayan ang mga nakapalibot na iba’t-ibang painting at artwork. Kitang-kita ito sa high-ceiling reception area nila.

Si Angel mismo ang nagdisenyo umano ng mga ito para sila ay makatipid. Kaya naman laking pasasalamat sa kanya ni Neil.

“Si Angel since sobrang tutok niyang gawing home ito she makes sure na may pieces of me. Thank you very much, my wife.”

Karamihan din sa mga bagong gamit ng mag-asawa ay nabili lamang ng aktres sa mga local online store.

At kagaya ng unang napabalita, natupad ang plano ni Angel na magkaroon ng sariling closet ang mga walis, bagay na hindi maunawaan noong una ni Neil.

Narito ang kabuuan ng kanilang vlog:

Gerald Anderson Sa Pagpapakasal Nila Ni Julia Barretto: “She’s still very young”

Chito Miranda diretsahang sinagot ang netizen na kinumpara ang hitsura niya sa asawang si Neri Naig-Miranda