in

Newborn baby girl n Jewel Mische kinagigiliwan ngayon online dahil angkin nitong kagandahan

Nanganak na sa kanyang third baby girl ang dating aktres na si Jewel Mische.

Ang magandang balita ay ibinahagi ng dating aktres sa kaniyang Instagram. Bagama’t wala pang detalye sa kaniyang panganganak ay ipinakita na ni Jewel ang taglay na kagandahan ng kaniyang pangatlong baby girl. Na pinangalanan nila ng kaniyang asawa na si Alister Kurzer na Yzbel Quinn.

Ayon kay Jewel ay pinaghalong looks ng kaniyang mga ate na sina Aislah Rose at Emerald Jade ang bunso nilang si Yzbel.

Saad niya sa kanyang caption, “Our third princess has graced us with her presence and her name is Yzbel Quinn. A full head of dark hair, doe-eyes, full lips and a perfect mix of his big sisters. Grateful that IF another girl, every prayer was answered and more!!!”

“My heart, yet again, had grown a million sizes in one instance. Yzbel is definitely handpicked by the Lord and I can’t imagine life without her now. I shake my head in amazement… I’m falling more in love with The Planner, The One whose ways are ultimately best… and that’s the greatest gift of all!!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jewel Kurzer (@mischejewel)

Maraming netizens naman ang agad napansin ang napakatangos na ilong ni baby Yzbel.

May mga nagsabi pa nga na mukha daw manika ang napakagandang baby ni Jewel.

Nito lang Oktubre ay inamin ni Jewel na hinihiling niya sa Diyos na sana ay baby boy na ang kaniyang 3rd baby.

Inakala niya ngang boy na talaga ito dahil sa laki ng pagkakaiba ng mga pregnancy symptoms. Na naranasan niya sa mga anak niyang sina Aislah at Emerald. Kahit nga raw nakapag-ultrasound na siya ay hindi pa rin nawawala ang kaniyang pag-asa.

Cristy Fermin bumanat na naman, tinawag na Mrs. Martyr si Julia Montes

Bugoy Cariño pinagtanggol ang partner na si EJ Laure laban sa mga bashers na kinabiliban ng mga netizens