in

New Look ni Aiko Melendez hinangaan ng marami, sinabing mukhang kapatid lang niya ang kanyang mga anak

Aiko Melendez, mukhang kapatid lang ng mga anak niya ang itsura.

Isa si Aiko sa may magandang mukha sa showbiz kahit na siya ay may edad na, ageless beauty kumbaga.

Kaya hanggang ngayon ay marami pa rin ang humahanga sa kanya, ultimo mga millenials ay naakit sa kanyang kagandahan.

At kamakailan nga lang ay ginulat ni Aiko ang madla sa kanyang latest post sa social media.

Tila nagmukhang high school student si Aiko sa nasabing litrato kung saan nakasuot siya ng maong shorts at blue shirt.

Sa kanyang post ay ibinahagi din ni Aiko ang kanyang diet procedure at ang kanyang sikreto para ma-achieve ang kanyang new look.

Pinasalamatan din ni Aiko ang mga nagbigay papuri sa kanya at sinabing ito ay dahil sa kanyang pagkain ng tama at pag-exercise na din.

Samantala, may mga nag-akala pa ngang si Marthena, ang 14-year-old daughter ng aktres, ang nasa litrato.

Si Marthena Jickain ay anak ni Aiko sa dati niyang partner na si Martin Jickain, 2010 nang maghiwalay sila nito.

Marami nga ang nagsasabing parang kapatid lang daw ni Aiko ang kanyang anak na babae dahil halos magkasingtangkad na din sila.

At gayundin ang kanyang binatang anak sa dating asawang si Jomari Yllan na si Andrei Yllana.

Dahil sa kanyang new look ay hindi maikakaila na mukha na ding teenager muli si Aiko.

Samantala, pagdating naman sa buhay pag-ibig ni Aiko, masaya siya ngayon sa kanyang karelasyon.

Ito ay ang pol𝔦tic𝔦an na si Jay Khonghun, at ngayon ay tatlong taon na silang magkas𝔦ntahan.

JM De Guzman dinaan sa kapirasong papel na may luha ang kanyang nararamdaman

Chubby little girl no more! Elha Nympha dalaga na, glow up photos niya ikinagulat ng marami