in

Netizens, umantig ang mga puso sa magkapatid na ito na gumawa ng simpleng surpresa para sa kaarawan ng kanilang ama!

Sino nga ba ang hindi maaantig sa mga anak na mapagmahal sa kanilang mga magulang?

Ito ang pinatunayan ng mga batang ito na talaga nga namang nagpaantig sa puso ng maraming netizens.

Ngayon na tayo ay dumadanas pa din ng kahirapan dahil sa pandemy4, marami sa ating kababayan ang hirap pa din hanggang sa ngayon.

Ngunit para sa mga batang ito, hindi dahilan ang problema sa buhay para makalimutan nilang pasayahin ang kanilang tatay.

Sa isang viral Facebook post ni Melody Silang, makikita ang mga naka upload na larawan galing sa kanilang kapitbahay.

Ang naturang larawan ay kuha nang surpresahin nila ang kanilang ama noong kaarawan niyo. Pero imbes na party balloons, plastic labo lamang ang mga naka sabit at may naka lagay na “Happy birthday papa.”

Agad naman itong nag viral at umantig sa maraming netizens. Hindi kasi kaya ng mga bata na bilhan ng regalo ang kanilang ama dahil sila ay bata pa at walang trabaho.

Natuwa umano si Melody dahil ang kapitbahay nila ay nag effort para mapasaya ang kanilang ama.

Matapos nga na mag viral ito, may isang mabuting pusong netizens ang nagpadala ng pang bili ng birthday cake.

Sa hiwalay na post, pinasalamatan nila ang isang Denise Trangia, Kath Dalida at Des Corpuz na nag bigay umano ng pang bili ng cake at inumin oara sa pamilya.

Marami naman ang nagpasalamat at humanga sa mga netizens na nag bigay.

Tunay nga na may pagmamahal ang mga Pilipino sa kapwa nila!

Tution fee sa International School ng mga anak nina Jinkee at Manny Pacquiao nakakalula ang presyo!

Kilalanin si Nene Limosniro, ang isa sa biggest blessing ng aktor na si Sam Milby