in

Netizen sobrang na-attached sa isyu nila Aljur Abrenica at Kylie Padilla, hindi nakatulog

Hindi na nakatulog ng dahil sa mainit na issue nila Aljur Abrenica at Kylie Padilla ang isang netizen.

Painit na nga ng painit ang intrigang kinakaharap nina Aljur at Kylie. Tungkol sa kung sino nga ba ang unang nangaliwa at nakasira ng kanilang magandang samahan bilang isang pamilya.

Sa mahabang pahayag ni Aljur ay hinamon niya si Kylie na aminin sa publiko kung sino nga ba ang unang nagloko. Sinabi din nito na aminin na rin kung sino nga ba ang karelasyon niya ngayon.

Matatandaan na nadawit ang pangalan noon ni JM De Guzman ng umusbong ang balitang hiwalay na sina Kylie at Aljur.

Ngunit mariing itinanggi ng aktres na may ugnayan sila ng Kapamilya actor.

Samantalang si Aljur naman ay hayagang inamin sa publiko ang pagkakamabutihan nila ni AJ Raval.

Nagsimula ang lahat ng ito ng mismong ama ni Kylie na si Robin Padilla ang naghayag sa publiko na hiwalay na nga ang anak kay Aljur.

At sa patuloy na paglabas ng mga kani-kanilang saloobin tungkol dito. Tila mas lalong nasasabik ang mga netizen na malaman ang katotohanan.

Sa katunayan, isang netizen ang hindi na nakatulog kakaisip at kakaimbestiga sa hiwalayan nila Aljur at Kylie.

Sa kanyang Facebook post saad ng netizen na nagngangalang Che Malabanan- Catapang:

“Utang na loob!!! Ayaw kong mapuyat. Baka rreplyan ako ni Robin. Ay teka, message ko na din Aj. HAHAHAHAHA”

Kalakip nito ay ang mga screenshot na nagprivate message siya sa lahat ng dawit sa issue.

Kabilang na dito sina Aljur, Kylie, AJ, JM at Robin Padilla.

Maraming netizens naman ang kinagiliwan ang level up ng pagiging ‘Marites’ nitong si Catapang.

Sabi pa nga ng ilan ay daig pa nito ang mga reporter at sobrang na attached na siya sa issue.

Mga netizen humanga sa kagandahan ni Carla Abellana sa kanyang Prenup photo

Pinsan ni Kylie Padilla, ipinagtanggol ang aktres laban sa mga paratang ni Aljur Abrenica