in

Net worth ni Bea Alonzo umabot diumano sa PHP200 Million hanggang PHP500 Million

Marami ang nagtatanong kung gaano nga ba kalaki ang talent fee ngayon ng aktres na si Bea Alonzo.

Magmula ng pumirma ng exclusive contract sa GMA-7 si Bea Alonzo ay kabi-kabilang hinaing na mula sa kabila ang nairinig.

Nakaraan lamang ang Direktor from ABS ay naglabas ng pasaring, although hindi pinangalanan si Bea ay patama naman sa kanya.

Buong Tweet ni Dirk Erick Salud, “So ayun nga. Lumipat nga ang isang aktres. Bakit kaya?

“Eh may project siya na nasimulan at na promote na prior pandemic. Talos say niya, di pa siya ready mag shooting. Ayun pala lilipat.“AAAARTE!!! Naghihirap ba siya? “Eh may big farm nga. Kaloka siya!!!”

Nang dahil dito ay napaisip ang marami kung magkano nga ba ang net worth ng isang Bea Alonzo?

May ilan na nagsabing umaabot daw sa 200 Million pesos o hanggang 500 million pesos ang net worth ng aktres.

May ilan naman na nagbanggit na 250 thousand pesos ang talent fee ni Bea per taping day.

Ngunit lahat ng ito ay haka-haka at hinuha lang ng marami, wala pang makakapagpatunay sa mga ito.

Ang nakaka-alam lang ng totoo dito ay ang handler o manger ni Bea na si Shirley Kuan.

Kung magkano nga ba ang pinirmahang kontrata ng aktres sa GMA-7 at sa mga nakaraang kontrata nito sa ABS.

Samantala, sa estado ng career ni Bea, tinagurian na siyang A-List actor.

At kung ise-searche sa google ang kanyang net worth lumalabas na six million US dollars ito, o umaabot sa PHP299 million base sa exchange rate ngayon.

Ang ilan naman ay USD180 million or PHP8.9 billion ang lumalabas na resulta.

However, di rin naman ito nakapagtataka dahil maraming endorsement pelikula at serye naman talaga si Bea na tumabo sa takilya.

Sunshine Dizon niresbakan ang netizen na nanglait sa kanyang itsura pag walang make up

Star For All Season Vilma Santos, naglakad ng malayo upang mamitas ng gulay para sa evacuees ng Taal