in

Natural beauty ni Heart Evangelista kapansin pansin nang ibahagi niya ang kanyang yearbook photo

Nagbalik tanaw ang Kapuso actress na si Heart Evangelista nang ibahagi niya ang kanyang yearbook photo.

Sa kanyang Instagram stories kamakailan, ipinost ni Heart ang nasabing larawan. Kung saan makikita ang kanyang natural beauty noong kanyang kabataan.

Kalakip din nito ang kanyang mga hobbies noon tulad na lamang ng pagmamahal niya sa mga hayop. Pati ang hilig niya pagpinta, pagguhit, at pag-arte.

Makikita din na isa sa pinapangarap noon ni Heart ay ang pag-aartista na natupad naman niya. Dahil isa na siya ngayong sikat na celebrity.

At hindi lang sa bansa kundi sa buong mundo ay tinitingala siya bilang isang fashion icon.

Mababasa na nakasulat sa yearbook ng aktres, “I’m very understanding and down-to-earth. I love animals and I’m fond of painting and acting, I hope to become an actress someday. I believe that time is gold because every second counts. We should do worthwhile activities every second of the day.”

Ilang taon na din ang nakalipas ay ipinost din ni Heart ang parehong larawan sa kanyang IG. Na umani ng libo-libong comments and reactions.

Marami ngang humahanga kay Heart dahil ang kaniyang pagiging “kikay” ay siyang nagdala sa kaniya sa karangyaan at kasikatan.

Claudia Barretto nakatapos na ng kolehiyo! Marjorie, proud mommy!

Isang babae naging milyonarya dahil sa pagbebenta ng kanyang utot