in

Napakaraming gold bars na pagmamay-ari ni Chavit Singson ipinasilip nito sa kanyang mga bisita

Mapapa-wow ka na lang talaga sa kakaibang koleksyon ng sikat na politician na si Chavit Singson.

Isa sa mga kilalang negosyante at pulitiko sa bansa ay ang 80-taong-gulang na si Luis Crisologo Singson. O mas kilala bilang si Chavit Singson.

Bukod sa pagmamay-ari ng LCS Group of Companies, naging Gobernador din siya ng Ilocos Sur.

Noong 2017, si Singson ang nagsponsor sa Miss Universe Beauty Pageant na ginanap dito sa Pilipinas. Ayon sa dating Department of Tourism Secretary na si Wanda Teo, nagbigay si Singson ng 11 million dollars sa organisasyon para lamang matuloy sa Pilipinas ang kilalang pageant.

Hindi na din kaila sa publiko kung gaano nga ba kayaman si Chavit. Dahil sa mga alaga pa lamang niyang hay0p sa kanilang mansyon ay puro high maintenance ang kailangan.

At pati na din ang iba’t-ibang koleksyon niya ay talagang bukas din sa publiko. Kamakailan nga lamang ay ipinasilip niya sa kanyang mga panauhin ang kanyang collection of gold bars.

Sa isang video sa YouTube, ipinasilip ng isang vlogger ang itsura ng mansyon ni Chavit. Ipinakilala din sa nasabing video ang napakagandang anak ni Chavit na si Chelsey.

Naroon din ang kanyang mga apo na napag-utusan niyang mamahagi ng pera sa mga taong naroon sa kanilang tahanan.

Ngunit ang naging highlights ng video ay ang napakaraming gold bars collection ni Chavit. Na talaga namang nagpalula sa mga manonood.

Pati ang komdyanteng si Long Mejia ay napa-wow sa mga mabibigat na gold bars.

Ani nga ng mga panauhin ni Chavit ay parang mga chocolates lamang ang mga ito na nakasalansan sa ref.

Narito ang kabuuan ng video:

Kris Aquino goodbye muna sa social media, pinaghahandaan ang bagong treatment na susubukan

Binatang anak nina Charlene at Aga Muhlach na si Andres heartthrob kung ituring ng mga netizens