in

Nanay Ni Heaven Peralejo, Buong Tapang Na Ipinagtanggol Ang Anak Kay DJ Chacha!

Ang tapang!

Trending ngayon ang post ng ina ni Heaven Peralejo natapos nitong i-call out si DJ Chacha!

Nitong mga nakalipas na linggo, trending ang pangalan ni Heaven Peralejo matapos aminin ang kanyang relationship kay Kiko Estrada.

Si Heaven kasi ang tinuturong dahilan umano ng break up ng dating showbiz couple na sina Kiko Estrada at Devon Seron.

Umusbong ang issue nang mag post ng cryptic posts ang nakakatandang kapatid ni Devon at maging ang mga kaibigan nito.

Matatandaan na mariing itinanggi ni Heaven ang mga paratang sa kanya ng mga fans ni Devon.

Ngunit nito lamang, nag all out na ang bagong couple at nag post pa ng sweet photos nila magkasama.

Kaugnay nito, nag post ng cryptic post sa kanyang Twitter ang radio DJ na si DJ Chacha tungol sa “pang-aagaw.”

Payo ni DJ Chacha sa kanyang trending Twitter post, “Wag niyong kaugalian ang mang-agaw ng jowa o makiepal sa relasyon ng iba.”

Agad naman umani ng iba’t-ibang reaksyon sa social media ang radio DJ. Partikular na dito ang mga fans ni Heaven na agad pinagtanggol ang dalaga.

Pero buwelta niya, wala naman daw siyang sinabing pangalan sa naturang post.

Matapos ang ilang araw, nag reak naman ang nanay ni Heaven at diretsahang minention ang pangalan ni DJ Chacha.

“Wag puro parinig tapos pag sinugod kayo ng fans sasabihin nyo wala kayong minention. Oo para sayo to @dj_chacha”

If the shoe fits, feel free to wear it! Sagot ng mga netizens!

Nadine Lustre namataang masayang nagbabaksayon sa Siargao kasama ang rumored French Filipino boyfriend

Vlogger Na Si Zeinab Harake, Inulan Ng Komento Matapos Bumili Ng Mamahaling Sasakyan!