in

Nanay ni AJ Raval na si Alyssa Alvarez may cryptic post sa gitna ng isyung buntis diumano ang anak

Isang makahulugang post ang ibinahagi ni Alyssa Alvarez sa gitna ng balitang buntis diumano ang anak na si AJ Raval.

Mainit na usapin ngayon sa social media ang tungkol sa pagdadalang tao diumano ni AJ. Sa panganay na anak nila ng rumored boyfriend na si Aljur Abrenica.

Kamakailan kasi ay kinumpirma ng reliable source ni Cristy Fermin na buntis na nga si AJ. Pero magpasa hanggang ngayon ay mariin pa ding pinabulaanan ito ng aktres.

Agad-agad nagpadala ng mensahe ang s3xy star sa Frontline Pilipinas ng TV5. Sa kuwento ni MJ Marfori, binalita nito na nagpadala ng text message si AJ sa kanila.

Giit nga raw ni AJ, na hindi siya buntis, at nagka-C0vid siya kaya hindi niya natapos ang shooting ng isang proyekto na ginagawa niya. Pati nga raw ang ibang mga artista na kasama niya sa naturang proyekto ay nagka-v1rus din.

Samantala, tila may kinalaman din sa isyung kinasasangkutan ni AJ ang cryptic post sa Facebook ng kanyang inang si Alyssa.

“Mabuhay po tayo ng mapayapa na walang pakialam sa buhay ng iba,” saad ni Alyssa.

Sa naunang post pa ng dating aktres ay tila may pinapasaringan din itong personalidad na hindi niya naman pinangalanan.

Aniya, “Hindi kita huhusgahan sa pagiging mapanghusga mo, baka lang kase may pinagdaanan kang malupit sa buhay kaya ganyan ang pag-iisip mo”

Gina Pareño nanawagan na sana ay muli siyang mabigyan ng trabaho bilang aktres

“END OF AN ERA” Coco Martin inanunsyo na ang huling tatlong linggo ng ‘FPJ’s Ang Probinsyano’