in

Nanay ni AJ Raval na si Alyssa Alvarez dinepensahan sa mga bashers ang relasyon ng anak kay Aljur Abrenica

Hindi na napigilan ng ina ni AJ Raval na si Alyssa Alvarez na sagutin ang mga bumabatikos sa kanyang anak.

Sa pagkakaugnay ni AJ Raval kay Aljur Abrenica. Nabigyan ng kulay ng ilang netizens ang bawat post na may kaugnayan sa aktor.

Kamakailan nga lamang ay pinutakte ng mga netizens ang TikTok video ng nanay ni AJ na si Alyssa. Kung saan makikitang kasama nito si Aljur.

Ilang netizens ang iniugnay ito sa isyu na nagkakamabutihan na ang dalawa. Isang netizen ang nagsabing mas maganda si Kylie Padilla kaysa kay AJ. Sinagot ito ng ina ni AJ na wala naman sa kanyang post ang kanyang anak, bakit ito nadamay.

Ilang araw naman ang nagdaan ay isiniwalat na nga ni AJ na nanliligaw na sa kanya si Aljur. Ipinagpaalam na din daw ng aktor ang kanyang panliligaw sa mga magulang ni AJ.

Kaya naman to the rescue ang nanay ni AJ na si Alyssa sa mga bumabatikos sa relasyon ng kanyang anak kay Aljur.

Noong October 8, nirepost ni Alyssa ang  larawan ni Aljur kasama ankapatid ni AJ na si Ace Raval. Sa comments section nito ay isa-isang sinagot ni Alyssa ang mga basher ng kanyang anak.

Isang supporter ang nag-repost ng screenshot ng tweet ni Kylie, na sinasabing walang isyu kung makipag-date sa iba si Aljur.

Sagot ni Alyssa  “oo nga eh… Mga wala na cguro magawa mga taong yun.bored na bored na sya.”

Isang mapanghusgang netizen naman ang nakasagutan ni Alyssa sa comment section.

Nagsunud-sunod ang reply ni Alyssa sa kritiko dahil sa panghuhusga raw nito sa pagkatao ni Aljur. Halatang botong boto ito sa aktor.

Sa huli isang makahulugan post na patama sa mga mapanghusga ang ibinahagi ni Alyssa.

Marco Gumabao at Ivana Alawi spotted na sweet sa isa’t-isa, may relasyon na nga ba?

Nadine Lustre ayaw pang magka-anak sa ngayon, mas gusto munang mag-ampon