in

Nakatatandang kapatid ni Shaina Magdayao sinagot kung buntis nga ba ang aktres, Vina nagulat sa relasyon diumano nito kay Piolo Pascual

Maging ang nakatatandang kapatid ni Shaina Magdayao ay nagulat. Sa mga balitang lumalabas na buntis umano ang nakababatang kapatid.

Sa ulat ng Bandera, nakausap nila ang mga ate ni Shaina na si Sheila Magdayao tungkol sa bali-balitang buntis diumano si Shaina.

“Hahaha! Hindi. Now ko lang narinig. Hehehe! Pero how I wish kasi 31 na siya,”  sagot ni Sheila.

Napunta rin ang kanilang usapan tungkol sa pagiging sweet nina Shaina at Piolo Pascual sa nagviral na mga larawan kamakailan.

“Hindi rin wala naman siyang sinasabi and Piolo naman is malambing sa lahat,” kaswal na sagot ni Sheila.

Dagdag pa niya, “Hindi ko alam ‘yan kasi hindi naman namin napag uusapan si Piolo.”

Katulad ng sagot ni Sheila ay ganito din ang naging reaksyon ng isa pa niyang ate na si Vina Morales.

Nagulat umano ang singer actress ng makita niya sa social media ang mga larawan ng kapatid kasama si Piolo.

Saad ni Vina, “Ewan ko diyan sa dalawang ‘yan. Ha-hahaha! Lagi naman kasing sweet yan sa isa’t isa. Ha-hahaha! Naku, tanungin mo sila, ako ayaw ko nang tanungin si Shaina.”

Ang alam din daw niya ay si Jodi Sta Maria lang ang kasama ng nakababatang kapatid sa Bohol.

“Nagulat na nga lang ako sa photo na ‘yun. Ang alam ko lang kasama n’ya si Jodi sa Bohol, Nandu’n pala si Papa P. he he he.”

Sang-ayon naman si Vina sa mga reaksyon ng nakararami na bagay umano sina Piolo at Shaina.

“Hahaha! Agree naman ako, lalo na sa ugali. Parehong mabait,” ani Vina.

Well, parehas naman single ang dalawa kaya kung sakalin may relasyon nga sila ay wala naman silang matatapakan o masasaktan na damdamin.

Cute na cute na si Clarissa sa Pepito Manaloto dalaga na ngayon

Kimpoy Feliciano dinepensahan si Heaven Peralejo laban sa mga bashers, sinabing magkaibigan lang sila ng aktres