in

Nakaraan nina Janine Gutierrez at Mayor Vico Sotto ibinahagi ni Lolot De Leon

 

Isang napaka-cute na Throwback photo ang ibinahagi ni Lotlot De Leon.

Kung saan makikita ang nakaraan ng kanyang anak na si Janine Gutierrez kasama si Mayor Vico Sotto.

 

 

Makikita sa nasabing litrato na childhood classmates pala sina Janine at Mayor Vico.

Magkasama sa school play ang magkababata na nakitaan ng chemistry ng mga netizens kaya kung nag-artista siguro si Mayor Vico ay malamang sila ni Janine ang magka-loveteam.

 

 

Saad ni Lotlot sa kanyang caption, “Kay bilis ng panahon.. ang aking panganay na laging kasama dati sa school play at ang kanyang leading man ay walang iba kundi ang napakahusay na Mayor ngayon ng pasig.  Janine and Mayor Vico  Both meant to be great in their chosen careers!Napakasarap alalahanin at tignan! nakaka proud talaga! Hi babe!

 

 

Sinagot ni Lotlot ang nagtanong sa comment section kung anong school naging magkaklase ang dalawa.

At ayon dito ay sa “Philippine Montessori for Preschool.”

 

 

Smiling emoji ang reaksyon ng boyfriend ng dalaga na si Rayver Cruz at emoji hearts naman ang sagot din ng future monther-in-law ng aktor.

 

 

Nag-comment din si Mayor Vico sa post ni Lotlot ng smiling emojis na sinagot naman ng aktres ng, “@vicosotto Mayor, proud of you! (clapping hands emojis).”

 

 

Sabi naman ni Mayor Vico, “Thank you Tita @ms.lotlotdeleon! Last appearance ko po bilang artista ‘yung play na to.”

Sagot uli ng nanay ni Janine, “@vicosotto awwww heheh. stay safe and healthy! God bless you always!”

 

 

Napa-“Mamaaaa”  naman si Janine kasunod ang mga laughing emojis.

 

 

May ilang netizens naman na tinawag sina Janine at Mayor Vico ng “Best Actress” at “Best Mayor.”  May nagsabi rin na “bagay sila.”

 

 

Tingin mo bagay nga ba sina Janine at Mayor Vico?

Ogie Diaz pinakita ang pagmamahal sa ABS-CBN, pinangakong hihintayin niya ang muling pagbubukas ng Network

Kris Bernal naging biktima ng fake Grab Food booking dinagsa ng 23 food delivery riders